
PHOTO: Courtesy of Universal Pictures
“THE b*tch is back.” ‘Yan ang matapang na pahayag ng Blumhouse sa upcoming horror film nila na “M3GAN 2.0.”
Ito ang inaabangang sequel ng blockbuster horror film noong 2023 tungkol sa isang humanoid na robot na nagmistulang halimaw.
Ang bagong kabanata ng pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa June 25.
Tila may bagong twist sa kanyang kwento dahil hindi siya nag-iisa na magdadala ng bangungot sa mga manonood.
Baka Bet Mo: Robert Pattinson bida sa ‘Mickey 17’, ipinasilip ang bagong ka-loveteam
Ayon sa film director na si Gerard Johnstone, mas pinalawak nila ang mundo ng AI (artificial intelligence) sa bagong pelikula.
Ang returning cast ay sina Brian Jordan Alvarez at Jen Van Epps bilang sina Cole at Tess, ang mga loyal tech teammates ni Gemma.
Makikilala rin ang mga bagong karakter na ginagampanan nina Aristotle Athari, Timm Sharp, at Grammy winner na si Jemaine Clement.
Kung matatandaan noong 2023, kinagiliwan at kinatakutan ng maraming manonood ang “M3GAN” hindi lamang dahil sa brutal nitong pag-atake, kundi pati na rin sa iconic dance moves at pagiging TikTok sensation.