Nyoy Volante, Liza Dino na-shock sa pasabog na rebelasyon ni Nina!

Nyoy Volante, Liza Dino na-shock sa pasabog na rebelasyon ni Nina!

Liza Dino, Nyoy Volante at Nina

LAKING gulat ni Ms. Liza Diño nang mabasa sa online websites ang sinabi ni Nina na ayaw na niyang makasama sa isang show si Nyoy Volante.

Ex-couple sina Nina at Nyoy at almost 18 years na silang hiwalay (since 2007 pa) pero napag-uusapan pa rin ang dahilan ng kanilang hiwalayan at kung bakit hindi pa rin gusto ng una ang huli.

Sabi ni Nina sa panayam niya kay Ogie Diaz sa “Showbiz Update”, napatawad na niya si Nyoy pero ayaw na niya itong makasama sa show kahit kailan bagay na ikinagulat naman ng host ng online show.

Matatandaang nagkaroon ng legal battle ang ex-couple sa dahilang may utang daw ang magulang ni Nyoy kay Nina pero sa pagkakaalam namin ay nag-invest ang huli sa negosyo ng magulang ng una at na-scam sila.

Baka Bet Mo: Nina ayaw pa ring makatrabaho ang ex-dyowang si Nyoy: Hindi kami OK!

Going back to Ms. Liza, nakausap namin siya sandal nitong Lunes nang kunin namin ang tickets para sa pre-Valentine show na “Love, Sessionistas” na gaganapin sa The Theater at Solaire sa Sabado, Pebrero 8.

Dahil napanood namin ang mga sinabi ni Nina ay tinanong namin kung totoong kaya wala ang singer sa Sessionistas concert ay dahil ayaw nitong makasama si Nyoy.


“Actually, nagulat kami sa nabasa namin pati si Nyoy, kasi para sa kanya okay sila at wala siyang sinasabing hindi maganda about her (Nina) kaya nagtaka siya sa mga sinabi ni Nina,” pahayag ni Ms. Liza.

Totoo naman, dahil nu’ng nag-mediacon ang Sessionistas ay natanong naman si Nyoy kung okay na sila ni Nina at maganda ang sagot nito at tungkol sa hindi kasama ang huli sa concert ay dahil may show din ito ng February 7.

“Iyon ang dahilan kaya hindi kasama si Nina sa Sessionistas, si Ice (Seguerra) naman lahat ang nagtawag sa kanila at kapag sinabing hindi puwede hindi naman nangungulit na si Ice at nalaman nga namin na may show si Nina sa February 7 nga sa New Frontier, kaya malabong makasama nga,” paliwanag ni Ms. Liza.

Pero inimbitahan naman daw ni Ice si Nina para sa 2nd night ng Sessionistas sa April 4 sa parehong venue at itse-check pa raw ang schedule kung puwede at nagpakita rin naman ng interes ang huli.

“Sana nga available si Nina, ang gandang panoorinang kumpleto sila,” saad ng producer ng show under Fire and Ice Production, Inc..

Si Richard Poon na isa rin sa original member ng Sessionistas na binuo ng Kapamilya program na “ASAP” ay waiting din sa availability nito sa April 4.

Anyway, masayang ikinuwento ni Ms. Liza na mag-e-enjoy ang lahat ng manonood ng Sessionistas reunion concert dahil makaka-relate ang lahat sa kakantahin nina Ice, Sitti, Juris Fernandez, Kean Cipriano, Duncan Ramos, Princess Velasco at Nyoy na mismong si Ice ang magdidirek.

Read more...