TJ Monterde ‘waiting’, nasasabik nang magka-baby kay KZ Tandingan

TJ Monterde ‘waiting’, nasasabik nang magka-baby kay KZ Tandingan

TJ Monterde, KZ Tandingan

INAMIN ni TJ Monterde na nais na niyang magka-baby sa misis niya na si KZ Tandingan.

Ibinunyag pa nga niya na nagsulat siya ng kanta na nagpapahayag ng kanyang dasal sa Diyos upang mabiyayaan na sila ng panganay na anak.

Sa isang TikTok video, mapapanood na kinanta niya ang nasabing track sa kauna-unahang pagkakataon sa harap ng kanyang fans na dumalo sa second day ng kanyang concert.

Bago pa siya mag-perform, nabanggit niya na ito ay unang naging inspired sa Aurora Borealis o northern lights na nasaksihan nila ni KZ sa ibang bansa, ngunit kalauna’y nabago ang naging ibig sabihin ng bagong kanta.

Baka Bet Mo: TJ Monterde may ginawa sa isang music festival na ayaw na ayaw ni KZ Tandingan

“I’m telling you this is special because as I was writing this song, it started off as a song about the northern lights. But then, when the song progresses, I realized it wasn’t just a song about the northern lights,” kwento niya.

Patuloy ni TJ, “It was actually a prayer — a prayer of longing, a prayer of waiting that somehow in God’s time, puhon, I’m not just gonna see the northern lights but I’m gonna be able to see a little girl.”

Aniya pa, “And when that time comes, we’re gonna call her Aurora.”

@tjmusicmonterde Thank you, Day 2! for letting me share this special song exclusively for you. Aurora, I will for you. #SariliNatingMundo ♬ original sound – TJ Monterde

Kung matatandaan, na-engage ang married couple noong December 2019 makalipas ang halos apat na taong magdyowa.

Ikinasal ang dalawa noong August 2020 sa kasagsagan ng pandemya, ngunit inanunsyo lang nila ito sa publiko makalipas ang dalawang buwan.

Muling nag-isang dibdib sina KZ at TJ noong 2023 kasabay ng kanilang ika-3rd wedding anniversary.

Read more...