Pia sa nagma-manifest na ma-divorce siya: C’mon people, bagong taon na!

Pia sa nagma-manifest na ma-divorce siya: C'mon people, bagong taon na!

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

GRABE ang basher these days! Talagang walang awa kung makapagsalita sa ilang celebrities.

Kagaya na lamang ‘nung nag-message kay Pia Wurtzbach via Instagram na hindi nakuntento sa panlalait sa Hermes purse dahil nag-manifest pa ito na maghiwalay sila ng mister na si Jeremy Jauncey.

Ibinandera mismo ni Pia ‘yung screenshot ng nag-DM sa kanya sa pamamagitan ng IG Story.

Ang sabi sa kanya ng epal na netizen: “Why black and brown Hermes purse is all you got? Para madali iterno? Di afford unique design??”

Dagdag pa nito, “Praying for your divorce soon, soon he will realize you are a user and can’t bring anything in the table. Pero MAs maganda if pregnant ka muna so you’ll be divorce single mom. Manifesting.”

Baka Bet Mo: Herlene Budol aminadong hirap makatrabaho si Empoy, bakit kaya?

Dahil diyan, inamin ng beauty queen na nasaktan siya sa sinabi ng hater.

“Just another day, another DM. Wild, right? C’mon people. Bagong taon na. Nag CNY pa,” bungad na caption ni Pia.

Wika pa ni Miss Universe 2015, “It’s exhausting and hurtful, din ha. Let’s stop normalizing this kind of online behavior.”

Mensahe pa niya sa publiko, lalo na sa mga bashers at haters: “Out na natin yung ganito for 2025, and instead, let’s be nice to each other and support and uplift one another.”

PHOTO: Instagram Story/@piawurtzbach

Mgugunita noong nakaraang buwan, kinumpirma ni Pia sa kanyang IG followers na hindi muna siya dadalo sa Paris Fashion Week na gaganapin mula January 27 hanggang 30.

Nauna na rin niyang nabanggit na ang taong 2024 ang “most successful year” niya so far dahil sa sunod-sunod na mga ganap niya, lalo na pagdating sa international fashion shows na ginaganap sa Milan, Paris, at New York.

Ito kasi ang naging daan upang siya ay kilalanin na isa sa “most visible fashion influencers of the year.”

Kung matatandaan last year, si Pia ang binansagang “Global Fashion Influencer of the Year” sa Dubai.

Read more...