HANDA na ang biggest artists na maghatid ng unforgettable performances sa mga fans this year!
Pasabog kasi ang inihanda ng SM Mall of Asia (MOA) Arena matapos tanghaling 2023 Sports Venue of the Year.
Mula sa mga kilalang K-pop idols hanggang sa mga international music legends, siguradong mapapa-wow ka sa mga show na hindi mo pwedeng palampasin.
Maroon 5 Asia 2025 Tour
Game na game na muling pasayahin ng Maroon 5 ang Manila!
Handang-handa na ang banda, sa pangunguna ni Adam Levine, para sa kanilang Asia 2025 Tour kung saan ang Manila show ay gaganapin sa January 29.
Baka Bet Mo: ‘Disney On Ice: Find Your Hero’ bongga ang pasabog, napa-wow ang audience
Makikanta at makisayaw sa kanilang iconic hits tulad ng “Sugar,” “Memories,” “Girls Like You,” “Moves Like Jagger” at “She Will Be Loved.”
The Best Day with Bench: Baekhyun Fan Meet
EXO-Ls, maghanda na! Muling bibisita kasi sa ating bansa ang multi-talented oppa na si Baekhyun para sa isang fan meet na hatid ng BENCH.
May pa-kwentuhan, harutan, at kilig overload na siguradong hindi mo malilimutan sa darating na February 2!
Always and Forever: Pops Fernandez & Martin Nievera
Throwback sa golden age ng OPM kasama ang “Concert King and Queen”!
Sama-sama nating damhin ang nostalgia habang pinagsasama nila Pops at Martin ang kanilang walang kupas na talento sa entablado.
Ang reunion concert nila ay pinamagatang “Always and Forever” na mangyayari sa February 7.
NIKI: Buzz World Tour
Hatid ng Indonesian alternative pop singer na si NIKI ang kakaibang vibes ng indie-pop at R&B sa dalawang gabi ng live music sa February 11 at 12.
Mag-emote sa “Every Summertime” at “Indigo” habang nararamdaman ang kanyang raw, soulful energy.
UAAP Season 87 Volleyball Tournaments
Huwag palampasin ang pinaka-aabangang volleyball event ng taon!
Magsisimula na ang UAAP Season 87 Men’s and Women’s Volleyball Tournaments sa February 15.
Tiyak na punong-puno ng aksyon at intense na laban, kaya’t maghanda sa mga epic rallies, powerful spikes, at exciting moments mula sa top collegiate volleyball teams ng bansa.
Ang mga pambato ng unibersidad, magbibigay ng best nila para sa kampyonato.
Taeyang 2025 Tour in Manila [The Light Year]
BigBang fans, handa na ba kayo?
Muling magliliwanag ang Manila sa kakaibang karisma ni Taeyang dahil sa inaabangang concert tour niya sa February 22!
Kantahan tayo ng “Eyes, Nose, Lips” at iba pang hits sa isang gabing puno ng good vibes.
Baka Bet Mo: BTS j-hope bibisita sa Pilipinas sa Abril para sa concert tour
Wave to Earth Live in Manila
Ready na ba kayo para sa indie-pop at jazz-inspired beats ng Wave to Earth?
Huwag palampasin ang lo-fi vibes ng Korean trio na magpapainit sa ating Pebrero.
Ang kanilang “Wave to Earth Live in manila” ay mangyayari na sa February 28!
Keshi Requiem World Tour
Mga Keshi fans, prepare yourselves!
Dadalhin ni Keshi ang “Requiem World Tour” sa Manila sa March 4.
Mula “Like I Need U” hanggang “Drunk,” magpakalunod tayo sa damdamin at husay ng kanyang live performance.
Taeyeon Concert – The Tense
Finally, ang K-pop queen na si Taeyeon ay magbabalik sa Manila!
Handa ka na bang ma-enchant sa kanyang napakahusay na vocals at performance?
Siguraduhin nang hindi ka mawawala sa “The Tense” sa March 29!
Nako mga ka-BANDERA, Ito pa lang ang simula dahil marami pang lineup for this year 2025.
Abangan pa ang mas maraming pasabog at sorpresa mula sa SM MOA Arena at bisitahin ang www.smsupermalls.com para sa buong listahan ng events.