Barbie Imperial tinawag na ‘third party’ pumalag: Pinagsasabi mo?

Barbie Imperial tinawag na 'third party' pumalag: Pinagsasabi mo?

PINALAGAN ng aktres na si Barbie Imperial ang patutsada ng isang netizen na isa siyang “third party” sa relasyon ng iba.

Sa kanyang recent Instagram post ay isang netizen ang nangahas na ipahiya ang aktres nang tawagin itong third party o dahilan ng pagkasira ng relasyon ng iba.

“Anong klase ng babae ka? Hindi ko matanggap. Pinaka ayoko sa lahat is yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled yung mag asawa pero andyan ka na,” saad ng isang netizen kay Barbie.

Sa kabila nito ay wala namang binanggit ang netizen kung sino ang magkarelasyon na tinutukoy niya sa comment.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez na-fall sa pagiging totoo ni Barbie Imperial

Hindi naman nakapagtimpi si Barbie at sinagot ang paratang sa kanya.

“Anong third party pinagsasabi mo?” sey ng aktres.

Matatandaang sa ngayon ay nali-link si Barbie sa Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Bagamat walang direktang pag-amin sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ay sinabi ni Richard na hindi ang aktres ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ng kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.

“Hindi siya third party, hindi nag-overlap,” pagdedepensa ng aktor kay Barbie laban sa mga maling chikang kumakalat.

Para sa mga hindi aware, si Richard ay kasal kay Sarah at mayroon silang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Sa ngayon ay nasa proseso na ang kanilang annulment o pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.

Samantala, January 2024 naman nang unang lumabas ang chika na may something sa pagitan nina Richard at Barbie matapos silang maispatang magkasama sa isang bar sa Alabang.

Read more...