MANANATILI na ulit dito sa Pilipinas si Bela Padilla makalipas ang mahigit isang taong paninirahan nang solo sa London.
Ayon sa TV host-actress, magbabalik full-time na kasi siya sa trabaho.
Sa Instagram, napa-senti mode si Bela at ibinandera ang compilation ng naging buhay niya sa ibang bansa mula noong 2021.
Ang caption niya, “I am temporarily closing this chapter as I prepare to work full time again [red heart emoji].”
Kasunod niyan ay inalala niya kung ano-ano ang mga natutunan at naging realizations niya nang tumira sa London.
Baka Bet Mo: Bela Padilla hindi pa nakikipag-live in sa Swiss-Italian boyfriend sa London; bibida sa 2 Korean movie
“Because of London, my instincts are now sharper. I stayed as healthy as I could while navigating my autoimmune disorder,” wika niya.
Dagdag ng aktres, “London also gave me the best friends that one could develop in adulthood, abroad. Our shared love for food, pints of Guinness or ciders, homesickness, overpriced takeaway and complains about the bitter cold of winter glued me to them in ways that sometimes saved my sanity.”
“I had to figure out grief alone in my high ceiling bedroom when I got the call that my dad had passed away…so my first house in London will always be the one I hold dearest to me,” sambit pa ni Bela.
Nilinaw rin niya na magkakaroon pa rin siya ng bahay sa nasabing bansa at sinabing, “Maybe one day, I will call it home again.”
Aniya pa, “London is polite but shouts when you’re wrong. Beautiful but rough around the edges. Kind but has a darkness that could scare the tough…my friend, London [red heart emoji].”
Matatandaang September 2021 nang magsimula ang buhay ni Bela sa London, pero nilinaw naman niya sa kanyang pag-alis na hindi niya iiwanan ang mundo ng showbiz.
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Bela na kaya siya umalis ay dahil nais niyang humanap ng lugar na magiging “at home” siya, lalo na ‘nung mga panahon na talamak ang pagkalat ng COVID-19.
“‘Nung pandemic I didn’t feel it anymore in the Philippines so I felt like I had to leave,” sey niya.
Dagdag pa ng aktres, “Parang ‘yun lang. Wala siyang big explanation, wala siyang big meaning o deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo, wala akong pinag-isipan na ganun.”