Janice keri lang maging close ang mga anak kay John: ‘Tatay nila yun eh!’

Janice keri lang maging close ang mga anak kay John: ‘Tatay nila yun eh!’

Janice de Belen, John Estrada with 4 kids

PARA kay Janice de Belen, walang kaso kung magiging close ang apat niyang anak sa kanilang ama na si John Estrada.

Magugunita nitong New Year, nakasama ni John ang lahat ng kanyang anak na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan, pati na rin si Anechka na panganay niya sa ikalawang misis na si Priscilla Meirelles.

Kaugnay niyan ay naitanong ang seasoned actress ng PEP kung ano ang reaksyon niya rito.

Ang sagot niya: “Tatay nila yun, e. Bakit naman hindi magiging okay sa kanila? Wala naman akong problema dun ever.”

Baka Bet Mo: Janice sa pagdamay kay Kaila sa Maris-Anthony scandal: It’s unfair!

Kasunod niyan, inusisa naman si Janice kung ready na ba siyang i-let go ang kanyang mga anak, lalo na’t ikakasal na ang pangalawa nila ni John na si Moira.

“Ang tatanda na nila, ano? Oo naman,” sey ng celebrity mom, basta raw ay alam niyang nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Matatandaang sa araw mismo ng Bagong Taon nang mag-propose kay Moira ang boyfriend nitong si Alfonso Miguel.

Present pa nga sa special day ang kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa IG post, makikita ang naging journey ng relasyon nina Moira at Alfonso hanggang sa naganap na ang wedding engagement.

May pa-shoutout din si Moira para sa mga kapatid na sina Inah at Kaila na tumulong sa kanyang fiancé para maisakatuparan ang surprise proposal para sa kanya.

Kung maaalala, sina Janice at John ay ikinasal noong 1992.

Opisyal silang na-annulled noong 2004 at si Janice ang solog nagpalaki sa kanilang mga anak.

Read more...