Official Philippines Chart inilunsad, ‘Marilag’ ni Dionela no. 1 sa music chart

Official Philippines Chart inilunsad, ‘Marilag’ ni Dionela no. 1 sa music chart

Official Philippines Chart, Dionela

OPISYAL nang inilunsad ng IFPI ang Official Philippines Chart, ang kauna-unahang industry-backed music chart sa bansa.

Ito ang kikilala sa mga pinakasikat na kanta batay sa streaming data kada linggo.

Para sa first-ever ranking, ang  kantang “Marilag” ng Pinoy R&B artist na si Dionela ang nag-number one track sa nasabing chart.

Kung matatandaan, ang kanta ay inilabas noong November last year at patuloy na pumapatok sa streaming platforms ngayong 2025.

Ang Top 20 tracks ng Official Philippines Chart ay iaanunsyo tuwing Martes. 

Baka Bet Mo: G22 wish maka-collab sina Yeng, KZ, SB19, Dionela

Makikita rito ang mga sikat na kanta mula sa lokal at internasyonal na mga artist. 

Ang chart ay makikita rin sa opisyal na website ng Southeast Asia Charts (www.officialseacharts.com) pati na rin sa kanilang Instagram at Facebook pages.

Sa Pilipinas, nakipag-partner ang Philippines Recorded Music Rights Inc. (PRM) sa IFPI para tiyaking madaling ma-access ng mga Pilipino ang chart. 

Maaari itong makita sa website ng PRM (www.prm.com.ph) at sa kanilang social media platforms.

Proud na proud naman ang Regional Director for Southeast Asia ng IFPI na si  Simon Seow na OPM ang nanguna sa rankings nitong linggo.

“A huge congratulations to Dionela and everyone involved in making “Marilag” the first ever Official Philippines Chart #1! It is wonderful to see a Pinoy artist claim this milestone, and is a testament to the wealth of talent and artistry in the country,” sey niya.

Nagpahayag din si Roslyn Pineda, General Manager ng Sony Music Philippines at PRM board member: “We are delighted to announce the launch of the Official Philippines Chart, which will shine a light on the consumption habits of music fans across the country and provide an important platform to showcase the vibrant and growing local music scene.”

Ang Official Philippines Chart ay binuo gamit ang streaming data mula sa mga global platforms tulad ng Apple Music, Deezer, Spotify, at YouTube. 

Sinisiguro ng IFPI na sumusunod ang chart sa kanilang global standards at methodologies. 

Ang data ay inihahanda ng BMAT, isang global music data company.

Bukod sa weekly charts, asahan ng mga fans ang exclusive artist content sa www.officialseacharts.com, ang music hub ng Southeast Asia.

Ang Official Southeast Asia Charts ay binubuo ng mga streaming singles charts mula sa Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam. 

Mayroon ding specialty charts tulad ng Domestic at Chinese Charts sa Malaysia, Regional Chart sa Singapore, at Domestic Chart sa Indonesia.

Ang mga charts na ito ay naglalayon na kilalanin hindi lamang ang volume kundi pati ang value ng streams sa bawat bansa.

Ang IFPI ay kumakatawan sa industriya ng recording music sa buong mundo, na may higit sa 8,000 miyembro ng record companies. 

Layunin nitong itaguyod ang halaga ng musika, ipaglaban ang karapatan ng mga record producer, at palawakin ang komersyal na paggamit ng recorded music sa iba’t ibang bansa.

Read more...