Regine Velasquez nadismaya nga bang wala si Stell sa concert?

Regine Velasquez nadismaya nga bang wala si Stell sa concert?

DISMAYADO nga ba ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pagkawala ng miyembro ng SB19 na si Stell Ajero bilang isa sa mga gurst sa kanyang nalalapit na concert?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” ni Ogie Diaz nitong Huwebes, January 23, nausisa ang singer-actress hinggil sa insidente.

Pagbabahagi ni Regine, ito raw ang unang pagkakataon na nag-announce siya ng mga magiging guest sa kanyang concert.

“First time naming mag-announce ng guest. Tapos naging gano’n pa. Kasi normally, we don’t even announce our guest in any of my concert. Hindi lang namin ina-announce para surprise.

Baka Bet Mo: SB19 Stell hindi na mapapanood sa ‘RESET’ concert ni Regine Velasquez, anyare!?

“‘Yong kauna-unahang beses na nag-announce kami, nagkaroon pa ng miscommunication. So, okay lang. Nangyayari naman talaga ‘yon minsan,” lahad ni Regine.

Sundot naman ni Ogie, “Pero bakit sinabi mo do’n sa isang message mo na ‘I’m a little bit disappointed?’”

Diretsahan naman itong sinagot ni Regine.

“Disappointed talaga ako dahil I’m very excited to sing with Stell and we were going to do ‘Sometimes, Somewhere,'” sey ni Regine.

Pero paglilinaw niya, disappointed siya sa nangyari ngunit hindi kay Stell mismo.

Matatandaang nagkaroon ng conflict sa schedule kaya hindi matutuloy si Stell bilang isa sa mga guest performer sa kabyang concert.

Para naman sa mga hindi aware, muling magkakaroon ng concert si Regine na pinamagatang “Reset” ngayong February 21.

Read more...