PAPALITAN na raw ng singer-comedian na si Randy Santiago bilang host ang kaibigang si Willie Revillame sa show nitong “Wil To Win”.
Ang balitang ito ay nanggaling mismo sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Sa naging episode ng kanyang online show noong January 21, naikuwento ng kolumnista na sa pagpasok ng February ay e-enter na si Randy sa show pansamantala dahil magsisimula na ang pangangampanya ni Willie.
Matatandaang nag-file noong October 2024 ang TV host-businessman ng certificate of candidacy pra sa pagkasenador.
Baka Bet Mo: Pagbibigay ni Willie Revillame ng P1-M kay Rufa Mae inireklamo: Baket?
Humanga naman si Romel Chika sa matibay na pagkakaibigan nina Willie at Randy.
“Dati siyang hawi boy ni Randy. Sinuwerte, nagtagumpay, magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon. ‘Yon ‘yon,” sey pa ni Cristy.
Samantala, wala pa namang kumpirmasyon si Willie kung ang kaibigang si Randy nga ang hahalili sa kanya pansamantala habang abala ito sa pangangampanya.
Matatandaang inilahad rin noon ng TV host ang dahilan ng kanyang pagtakbo.
“Awayan nang awayan. Mga edukado. Ang tingin nila sa mga artista, eh masyadong mababa. Aba’y kami may magagandang puso para sa ating mga kababayan,” sey ni Willie.
Pagpapatuloy niya, “Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado, hindi ako nakatapos, pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa local government, mabuting puso ang mayroon ka. Ang lagi mong iniisip ‘yong mga kababayan mo.”