MARAMI ang na-shookt matapos mabalitaang biglang in-unfollow ni Justin Bieber ang kanyang misis na si Hailey Baldwin Sa Instagram.
Ang akala tuloy ng fans at netizens, naghiwalay na ang married couple.
Pero kalma lang mga ka-BANDERA dahil nilinaw mismo ng international singer na may nakielam ng kanyang IG account kaya nangyari ito.
Matapos muling i-follow ang misis sa nasabing socmed platform, naglabas ng statement si Justin sa pamamagitan ng IG Story.
Baka Bet Mo: Selena Gomez ‘to the rescue’ sa pambu-bully kay Hailey Bieber, nagkaayos na nga ba?
Sey niya, “Someone went on my account and unfollowed my wife.”
“Sh*t is getting suss out here,” aniya pa.
Kasunod niyan, bilang patunay na okay sila ng asawa ay ibinandera ni Justin ang ilang picture nila ni Hailey na magkasama.
Matatandaang na-engage ang married couple noong 2018 during their romantic getaway sa The Bahamas.
Ikinasal sila sa isang civil ceremony sa New York City noong 2018.
May last year naman nang mag-renewal of vows sila na ginanap sa Hawaii at kasabay niyan ang anunsyo na magkaka-baby na sila.
August last year nang isinilang ni Hailey ang first baby nila ng singer na si Jack Blues.