Dalawang kabaong na nahulog sa NLEX, nagdulot ng traffic

Dalawang kabaong na nahulog sa NLEX, nagdulot ng traffic

TRAFFIC ang naging dulot bg dalwang kabaong na nahulog sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) viaduct nitong Martes ng gabi, January 21.

Isang netizen na nagngangalang Noel Luartes ang nag-upload ng video na ngayon ay viral na.

Ayon sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, nakita niya ang pagbagsak ng dalawang kabaong mula sa isang van habang pauwi sila sa Pulilan, Bulacan.

“Nagbe-brake na ‘yung mga sasakyan tapos tinitingnan namin bakit ba. Sabi po ng anak ko ‘May nalaglag, Daddy. Mukhang may nalaglag,'” kuwento ni Noel.

Baka Bet Mo: Ivana umaming inatake ng matinding takot nang humiga sa kabaong

Nang makarating raw sila sa lugar kung saan nalaglag ang kabaong ay doon na nagsimulant mag-video ang kanyang anak.

“Tapos pagdating namin doon sa area na ‘yon may ataol na may kabaong na doon. Vinideohan na ng anak ko,” sabi pa ni Noel.

Ang pagkahulog ng mga ataol ay nagdulot nang pagbagal ng daloy ng trapiko sa NLEX dahil nakaharang ito sa daanan.

Batay naman sa naging imbestigasyon, bagong gawa ang dalawang kabaong na ide-deliver umani sa Marikina.

Ngunit sa kasamaang palad ay nahulog ito mula sa pagkakatali habang binabaybay ng driver ang NLEX.

Agad rin naman daw natanggal ang dalawang kabaong at mabuti na lamang ay walang lamang tao ang mga ito.

Wala ring naiulat na nasaktan o naaksidente dahil sa pagkalaglag ng mga ataol.

Read more...