TRULILI nga kaya ang chikang kumakalat na tila may pagbabago na sa relasyon ngayon ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si Alden Richards?
Sa isa sa mga recent episodes ng “Showbiz Now Na” ay natalakay nina Cristy Fermin at mga co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ay napag-usapan nila ang dalawa.
May mga chika kasing nakarating sa kanya na diumano’y hindi na ganoon ka-close gaya ng dati sina Kathryn at Alden.
Matatandaang nitong nagdaang taon lang ay grabe ang ingay ng pangalan ng dalawa lalo na nang ianunsyo ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.
Baka Bet Mo: Kotse ni Daniel ilang gabi nang paikut-ikot sa bahay nina Kathryn Bernardo?
“Sinasabi nagdededmahan na lang daw si Alden Richards at saka si Kathryn Bernardo. Ni hindi nga raw binati ni Kathryn si Alden noong nag-birthday,” saad ni Cristy.
Ngunit hindi rin naman daw niya alam kung ano ang tunay na pangyayari.
Dagdag pa ni Nanay Cristy, “Malay naman natin kung nag-usap naman ‘yong dalawa ng sila lang. Personal.”
Matatandaang nitong 2024 lang nang muling magsama sina Kathryn at Alden para gawin ang sequel ng nauna nilang pelikula na “Hello, Love, Goodbye”.
At dahil nga maraming fans na nag-aabang ay talaga namang pumalo sa takilya ang kanilang bagong pelikula na “Hello, Love, Again” at kumita ng P1.4 billion.
Samantala, noong December 2024 ay nagpaalam na sina Kathryn at Alden sa kanilang mga karakter bilang Joy at Ethan.
Ipalalabas naman sa Netflix ang kanilang pelikula sa darating na Valentines Day.