Seth Fedelin sa MMFF 2024: Hirap kalimutan ng experience, nakakagulat!

Seth Fedelin sa MMFF 2024: Hirap kalimutan ng experience, nakakagulat!

Seth Fedelin at Francine Diaz

“ANG hirap kalimutan ng buong experience! Talagang nakakagulat!” ang pahayag ni Seth Fedelin tungkol sa naging karanasan niya sa Metro Manila Film Festival 2024.

Tumanggap si Seth ng Breakthrough Performance Award sa 50th edition ng MMFF para sa entry nila ni Francine Diaz na “My Future You” mula sa Regal Entertainment.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Seth sa naganap na Spotlight presscon ng Star Magic kamakailan kung saan nga niya ibinahagi ang mga highlights ng kanyang 2024.

Sey ng binata, until now ay hindi pa rin siya makapaniwala sa natanggap na award mula sa taunang filmfest at hanggang ngayon ay ninanamnam niya ang kanyang winning moment.

Baka Bet Mo: Dennis sa mga hirap na hirap mag-move on: Kalimutan na ang luma, maghanap na ng bago

“Hindi ko nga alam kung tama ba ‘yung sinabi ko sa stage as in sobrang impromptu ng speech kong ‘yun. Pero at the end of the day, pag-uwi ko sa bahay bago ako matulog, sobrang gaan sa pakiramdam, sobrang worth it!

“Ang hirap kalimutan ng buong experience ko sa MMFF. Talagang nakakagulat,” aniya pa.


“Unang-una ‘yung line-up. Lahat ng mga kasaling pelikula ang gaganda, ang gaga­ling ng mga senior actor, actress, na sa maik­sing panahon nakilala mo at naging kaibigan sila, na ang misyon namin ay itulak at ipakilala sa tao at buhayin ang pelikulang Pilipino,” sey pa ng binata.

Bukod sa kanyang award, tatlo pang natanggap na tropeo ang “My Future You” sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal – ito ang 3rd Best Picture, Best Director (ka-tie ni Direk Crisanto Aquino si Direk Michael Tuviera ng The Kingdom), at Best Editing (Vanessa Ubas de Leon).

Nominado rin sina Francine at Seth sa best actress at best actor category pero hindi nga sila pinalad na magwagi.

Patuloy na mensahe ni Seth, “Sobrang saya ko, grabe, hindi ko malilimutan ito. Hindi ko ini-expect na magkakaganito.

“‘Yung award na ‘yun, hindi ako makapaniwala. Hindi ko talaga ini-expect. Kaya naman delayed reaction lang na parang napansin ako… ‘yung talento ko, ‘yung ginawa ko.

“Pag-uwi ko parang doon ko naramdam, du’n ko lang hinawakan ang trophy ko. Pag-uwi ko gi­sing pa sila mama. Nu’ng i-post ko hawak ko ‘yung trophy, hawak naming lahat, sobrang saya ko,” pagbabahagi pa ni Seth sa press.

Read more...