Rachelle Ann Go tinatakpan mukha ng 2 anak sa socmed, bakit kaya?

Rachelle Ann Go tinatakpan mukha ng 2 anak sa socmed, bakit kaya?

Martin Spies at Rachelle Ann Go kasama ang dalawang anak at pamilya

NAGPALIWANAG ang actress-singer na si Rachelle Ann Go kung bakit tinatakpan niya ang mukha ng kanyang mga anak sa ilang social media post.

Dalawa na ngayon ang anak ni Rachelle Ann at ng asawa niyang si Martin Spies – sina Lukas Judah at Sela Teruah. Ikinasal sila noong 2018.

Sa London, United Kingdom na naninirahan ang pamilya ng singer at Broadway actress pero umuuwi pa rin siya sa Pilipinas kapag may mga offer sa kanya to do shows here and other projects.

Sa guesting ni Rachelle Ann sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, January 21, ay natanong kung balak pa ba nila ni Martin na dagdagan ang dalawa nilang anak.

Baka Bet Mo: Rachelle Ann nag-enjoy sa panganganak: I cannot believe we did it!

“Gaano ka kahandang magka-third baby?” ang tanong ni Tito Boy kay Rachelle.

“Gusto ko pa sana Tito Boy, but walang help sa London. But we’ll see,” sagot ng singer at aktres.


Kasunod nito, nag-explain nag-explain din siya kung bakit  tinatakpan niya ang faces ng kanyang mga anak kapag nagpo-post siya sa social media.

Tugon ni Rachelle, “Ang gulo po ng mundo ngayon, Tito Boy, eh. Ayoko lang magamit ‘yung litrato po ng mga anak ko.

“So mas magandang protektahan po,” ang paliwanag pa niya.

Proud mom din si Rachelle dahil tatlong lengguwahe ang natututunan ngayon ng kanyang mga anak kabilang na ang Afrikaans dahil nga South African si Martin.

“Tatlong lengguwahe po ‘yung natututuhan ngayon ng mga bata,” ani Rachelle na ipinagmalaking Tagalog pa rin ang itinuturo niya sa mga anak.

Nang matanong kung paano niya dinidisiplina ang mga bata, hangga’t maaari ay iniiwasan niyang mamalo. Kinakausap daw niya nang maayos at mahinahon ang mga ito.

“Hindi po ako namamalo, eh. Kasi uso sa Pinas ang pamamalo, pero sabi ko, ‘yung sa mga anak ko, tina-try po ang gentle parenting. Ang hirap.

“Lalo na po ‘yung panganay ko. He’s turning four. Mas gusto niya ang ganu’n. Usapan. Ayaw niya ng harsh. Gusto niya ng sweet lang. Do’n bumababa po ‘yung kanyang anger,” paliwanag pa ni Rachelle Ann.

Read more...