3 Kapuso stars Signal No. 3 ang lakas ng dating para kay Anjo Pertierra

3 Kapuso stars Signal No. 3 ang lakas ng dating para kay Anjo Pertierra

Anjo Pertierra, Herlene Budol, Shaira Diaz at Faith Da Silva

SORRY na lang sa mga beking nagpapantasya at mga babaeng nangangarap na maging dyowa ang Kapuso weather presenter na si Anjo Pertierra!

Rebelasyon ng binata na napapanood tuwing umaga sa GMA morning show na “Unang Hirit”, may nagpapatibok na ngayon sa kanyang puso ngunit tumanggi siyang pangalanan ang girlalu.

Sa guesting ni Anjo sa cooking talkshow ni Mikee Quintos na “Lutong Bahay” sa GTV, inamin niyang taken na siya at super in love sa kanyang karelasyon.

“Walang name reveal. Next time ulit. Happily in love,” chika ni Anjo sa “Kitchenterrogate” segment ng naturang programa.

Kasunod nito, sumabak ang “Unang Hirit” weather presenter sa isang challenge kung saan natanong siya kung paano niya ire-rate ang ilang Kapuso female celebrity sa pamamagitan ng “storm signal.”

Baka Bet Mo: Apo Whang-od naka-score uli, ‘likas na yaman’ ni Anjo Pertierra dinaklot

Ipinakita kay Anjo ang mga litrato nina Herlene Budol, Jackie Gonzaga, Shaira Diaz at Faith Da Silva at tinanong kung paano niya iraranggo ang mga ito mula sa “Signal no. 1” o “least attractive” hanggang sa “Signal no. 3,” o pinaka-attractive for him.


Unang bumalandra sa screen ang photo  ni Herlene na inilarawan ni Anjo bilang best friend kaya Signal No. 1 para sa kanya ang komedyana. Magkasama ang dalawa sa isang podcast ng GMA 7.

“Surpisingly guys, si Herlene Budol, complex din siyang mag-isip. Maiintindihan man ni Herlene kapag inilagay ko siya sa 1. Herlene, sorry!” ang pa-disclaimer ni Anjo.

Sa Signal No. 1 din niya inilagay ang ang Kapuso actress na si Lexi Gonzales, na nakasama naman niya sa isang episode ng “Regal Studio Presents”, “Mabait ito, tropa ‘to si Lexi, sobra!”

Inilagay naman niya sa Signal No. 3 ang actress-host na si Faith Da Silva na  nakasama niya sa “TiktoClock”.

“Ang ganda rin ni Faith. Tsaka matangkad si Faith. Tsaka funny siya. Wala bang Signal no. 5?” sey pa ng binata.

Para naman sa kasamahan niya sa “Unang Hirit” na si Shaira Diaz, Signal no. 3 din ang sagot niya dahil super close raw talaga sila ng aktres.

“Surprisingly sobrang bilis naming naging close na tatlo, ako, si Kaloy (Tingcungco), si Shaira. Kaya Shaira Diaz, bes, mars, para sa ‘yo ito, dito ka (Signal no. 3),” ang hirit ni Anjo.

Nang ipakita naman sa kanya ang  litrato ng”It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga, na nagpakilig sa kanya nang umapir ito one time sa “Unang Hirit”, sa Signal No. 3 rin niya inilagay ang dalaga.

“Kailangan ko pa bang i-explain? Basta ‘yun, si Jackie, dito siya sa number 3. Mabait si Jackie, tsaka sobrang professional niya,” sey ni Anjo.

Read more...