Anjo Pertierra na-rescue mula sa binahang bahay, 1 bag lang naisalba
MATINDI at traumatic din ang naranasan ng weather reporter ng GMA 7 na si Anjo Pertierra nitong kasagsagan ng hagupit ng bagyong Carina sa Metro Manila.
Isa si Anjo sa mga residenteng inilikas ng search and rescue team matapos malubog sa rumaragasang tubig-baha ang maraming lugar sa Marikina City.
Kaninang umaga, sa live episode ng morning program ng GMA 7 na “Unang Hirit” ibinahagi ni Anjo ang kanyang naranasan nang pasukin na ng baha ang kanilang bahay.
Baka Bet Mo: True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa ‘Happy Time’?
In fairness, sa kabila ng nangyari sa kanya habang humahagupit ang typhoon Carina ay nagdesisyon pa rin siyang mag-report sa trabaho para makapahatid ng latest update hinggil sa kalagayan ng panahon ngayong araw.
View this post on Instagram
Sa Facebook post ng GMA Public Affairs ngayong July 25, 2024, makikita ang mga litrato ng Kapuso host habang nasa background niya ang Marikina River.
Ang nakasaad sa caption nito ay, “THANK YOU FOR SHOWING UP, ANJO!’
“Pinasok at lubog na sa baha ang bahay ni Anjo Pertierra sa Marikina. Ibinahagi rin niya na isang bag lang ang naisalba at naidala niya kahapon.
“Pero kahit lubos na naapektuhan ng bagyo, pumasok si Anjo at nag-duty para sa #UnangHirit para maghatid ng ulat tungkol sa bagyong #CarinaPH at habagat.
“Maraming salamat, Anjo!”
Sa episode ng “Unang Hirit” ngayong araw, nagkuwento nga ang binata sa nangyari sa kanya nang pasukin na ng baha ang kanyang bahay.
Napakabilis daw ng pagpasok ng baha sa kanyang kuwarto na nasa basement at ang masaklap pa raw, hindi na niya mabuksan ang pinto nito dahil sa dami ng tubig sa loob at sa tindi ng water pressure.
View this post on Instagram
Hanggang dibdib daw ang taas ng tubig sa kanilang lugar, “Sa average po na Pilipino, minsan nasa leeg na po nila o nasa tenga na po nila yung taas nung tubig kahapon.” Ang height ni Anjo ay 6’2”.
Kuwento pa ng weather reporter, pati raw ang sasakyan niya sa labas ng bahay ay nalubog sa baha. Sa pamamagitan ng paddle boat at mga rescuers ay nakaalis siya at ang iba pang residente sa kanilang lugar.
“Wala akong nasalbang gamit. Ang nakuha ko lang, apat na T-shirt, gawa nga po ng sobrang bilis po ng pagtaas ng tubig sa aking bahay. Pero wala po talaga akong nasalba na kahit ano,” lahad pa ni Anjo.
Kuwento pa ng binata, ang suot niyang damit nang mag-report sa “Unang Hirit” ngayong araw mula sa Marikina River ay binili ng stylist ng kanilang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.