NI-REVEAL na ng Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista kung anong part ng kanyang face ang kanyang ipinaretoke.
Nag-post ng isang video si Heart sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita niya ang isang lumang litrato ng Candy Magazine kung saan siya ang cover girl noong August, 2000.
Ayon sa wifey ni Senate President Chiz Escudero, kung iko-compare raw ang itsura niya sa naturang magazine sa face niya ngayon, “Lips lang ‘yung naiba.”
Diretsahang pag-amin ni Heart sa kanyang IG reel, “Lips lang ‘yung pinagawa ko, that’s true.”
Feeling ng Kapuso star ay maraming magtataas ng kilay sa kanyang rebelasyon hinggil sa ipinagawa niya sa mukha.
Baka Bet Mo: Barbie na-shock sa first kiss, Kapuso actor ang nakabinyag sa lips
Kaya naman ipinagdiinan niyang “I’m saying the truth. If you don’t accept it, then, well, wait for judgment day because this is all real except that (lips).”
Sabi pa ni Heart, talaga raw maraming tao ang nag-aakalang ipinaretoke niya ang kanyang mukha.
“My eyes and nose, etc, were made by God. I swear!” ang hirit pa ng aktres at global fashion icon.
Sey pa ng aktres, darating ang araw na gegetsing siya ng “resibo” na magpapatunay mula sa doktor na nagretoke sa kanyang mga labi na nagsasabi siya ng totoo.
“Hindi talaga, mamatay man, seryoso,” ang muling hirit ni Heart na nasa France na naman ngayon para sa unang Paris Fashion Week ngayong 2025.