John Estrada alive pa rin sa ‘Batang Quiapo’, nabago ang plano?

John Estrada alive pa rin sa 'Batang Quiapo', nabago ang plano?
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na papatayin na si John Estrada bilang si Rigor sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo”  ngayong linggo ni Coco Martin as Tanggol.

Nabago na naman ang plano dahil nakatanggap kami ng tawag ngayong araw na buhay si Rigor kahit tinadtad na siya ng bala ni Tanggol base rin sa ipinakitang teaser ng BQ kagabi na aabangan mamayang gabi.

Ngayong gabi kasi maghaharap na sina John at Coco at base sa teaser ay tinadtad ng bala ng huli ang una kaya imposibleng mabuhay pa ito.

May nag-post din na taga-BQ apat na araw na ang nakararaan ng, “Paalam at maraming salamat Rigor” na all black ang background.

Baka Bet Mo: John Estrada tsutsugihin na rin ni Coco Martin sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Kaya nagtanong kami sat aga ABS-CBN kung mawawala na nga si John gayung isa siya sa poste ng Batang Quiapo at sinagot nga kami ng, “Okay naman, ‘yun ang takbo ng kuwento eh. Saka nag-usap naman na sina John and Coco.”

Tapos heto nabago ang plano at base sa script ay buhay si Rigor?

Actually, nagduda na kami sa episode kagabi dahil binugbog ni John si Julio Diaz bilang si General Pacheco at obviously buhay pa ito dahil naawat ni Allan Paule bilang si Mando ang kaibigan.

Kung mamatay na nga si John sa serye, paano pa makakaganti si General Pacheco? Kaya siguro napaisip siguro si Coco bilang creative director na buhayin pa si Rigor dahil may maiiwan pa itong kuwento at naka-hang ‘yun.

Plus maghaharap pa siguro sina John at tunay na ama ni Tanggol na si Christopher de Leon sa karakter na Ramon Montenegro.

Sa madaling salita hindi pa oras ni John na iwan ang FPJ’s Batang Quiapo na nanatiling number 1 sa primetime sa Kapamilya channel free TV, TV5 at A2Z.

Read more...