Tricycle driver sinabihang maliit ang ari, nanaksak ng sekyu

Tricycle driver sinabihang maliit ang ari, nanaksak ng sekyu
SINAKSAK ng nag-amok na tricycle driver ang isang security guard sa Barangay Lubogan, Davao City dahil umano sa matinding selos.
Sugatan ang naturang security guard sa pananaksak ng suspek matapos magpang-abot sa isang shopping mall sa Davao City.
Base sa ulat ng “Frontline Tonight”, talagang pinuntahan ng 37-anyos na suspek sa naturang mall ang 33- anyos na biktima para komprontahin ito.
Nakarating daw kasi sa kaalaman ng suspek na nagkikita umano nang palihim ang biktima at ang kanyang asawa.
Baka Bet Mo: Sam Verzosa nag-tricycle driver para tulungan ang batang ama sa Maynila
Ayon kay P/Maj. Sheryl Bautista ng Davao City Police, selos ang sinasabing pangunahing motibo ng suspek sa pananaksak sa biktimang sekyu.
“Nagselos itong suspek natin at itong biktima inundayan na ng saksak ang biktima habang nasa duty. Hindi naman gumanti ang guwardiya,” pahayag ni Bautista sa panayam ng media.
Sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, agad na naaresto ang suspek. Narekober din sa crime scene ang kutsilyong ginamit ng tricycle driver.
Batay sa imbestigasyon, wala umanong nararamdamang pagsisisi ang suspek sa kanyang ginawa lalo’t sinabihan pa raw siya ng biktima na maliit ang kanyang ari.
Nagpapagaling na ngayon ang biktima habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa reklamong frustrated murder.

Read more...