Nina ayaw pa ring makatrabaho ang ex-dyowang si Nyoy: Hindi kami OK!

Nina ayaw pa ring makatrabaho ang ex-dyowang si Nyoy: Hindi kami OK!

Nyoy Volante at Nina

“HINDI kami okay, hindi kami forever…ay forever!” ang tumatawang sagot ng singer na si Nina patungkol sa dati niyang karelasyon na si Nyoy Volante.

Nag-guest siya sa online show na “Showbiz Update” nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena na talagang humagalpak din ng tawa sa sinabi ng singer.

“Oo, alam ko na agad (ang tanong), wala naman iba, eh,” sabi pa ni Nina.

Nagtanong kasi si Ogie kay Nina kung kumusta na ang relasyon nila ng taong hindi binanggit ang pangalan, pero ang bilis ng sagot ni Nina na, “Hindi kami okay.”

Baka Bet Mo: ‘Bayaning Tunay’ alay sa frontliners, 25 OPM singers sanib-pwersa para sa mga bagong bayani

“Hindi kayo okay, so hindi kayo magkakatrabaho nito?” susog ni Ogie.

“Yeah, hindi kami forever!” tumawang sabi ng singer at tumawa rin nang husto sina Ogie at Mama Loi.


“Kaloka si Nina, oh! Ngayon ko lang nakitang totoong tao si Nina, nagpakatotoo siya,” komento ni Ogie.

Dugtong pa ng host, “Ibig sabihin hindi na maaayos? Or sinara mo na (chance na magkaayos), okay na?”

Mabilis na sabi ni Nina, “Actually pinatawad ko pero hindi na para bumalik pa siya sa buhay ko. Wala na talaga kumbaga puwedeng burahin ‘yung past!”

“Ayyy, paano kung magkikita kayo sa isang show?” tanong ni Mama Loi.

“Nagkikita naman pero (minuwestra na nag-iiwasan sila),” sagot ulit ng tinaguriang Asia’s Diamond Soul Siren.

Hindi naman din nagkakasama sa isang show sina Nina at ang taong pinag-uusapan nila sa “Showbiz Update” at kapag may offer dawn na show ay trabaho ng manager niya na inaalam muna kung sino ang makakasama.

“Depende sa manager ko kung sino ang gusto niyang makasama ko,” tumawang sabi ni Nina.

Sabay nagkuwaring may linyahan sina Mama Loi na tinawag na “Tindeng” ni Ogie at sumagot naman ang una ng, “Nyoy.”


Si Tindeng ang ginagampanang karakter ni Ms. Charo Santos-Concio sa “FPJ’s Batang Quiapo” kasama si Lou Veloso bilang si Nyoy.

At dahil binanggit ang pangalang Nyoy na ikinatawa naman nang husto ng tatlo kaya nabuking na ng viewers ng “Showbiz Update” kung sino ang taong ayaw nang makasama ni Nina.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon ng gusot ang ex-lovers na si Nina at ang singer na si Nyoy Volante dahil sa utang ng magulang ng huli pero naayos naman na ito pero hindi na nanumbalik ang maganda nilang relasyon.

Very vocal din naman noon si Nina sa pagsasabing napatawad na niya ang dating karelasyon pero ayaw na niya itong makasama sa isang show at muli niya itong inulit sa tsikahan nila nina Ogie at Mama Loi.

Kaya siguro wala si Nina sa “Love, Sessionistas” ang pre-Valentine show ng grupo na mapapanopd sa Pebrero 8 sa The Theater at Solaire dahil ayaw na nga niyang makasama si Nyoy.

Isa si Nina sa mga miyembro ng Sessionistas na binuo ng “ASAP” noong 2009 na kinabibilangan din nina Nyoy, Duncan Ramos, Sitti, Princess Velasco, Kean Cipriano, Juris, Richard Poon at Ice Seguerra.

Ang dahilan ng Sessionistas ay may show si Nina ng Pebrero 7 na “Love Matters” na gaganapin naman sa New Frontier.

Maging si Richard Poon ay hindi rin kasama dahil may prior commitment at sa second night ng show ng grupo sa April 4 ay hoping ang grupo na makakasama na nila ang dalawa.

Anyway, base sa mga pahayag ni Nina kina Ogie ay malabo na talagang makasama siya sa Sessionistas maliban na lang kung si Nyoy naman ang hindi available.

Read more...