Gela Atayde ‘di akalaing magiging Star Patroller; TV host-singer na rin

Gela Atayde 'di akalaing magiging Star Patroller; TV host-singer na rin

Gela Atayde at Robi Domingo

HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapamilya actress at dance champion na si Gela Atayde ang naging experience niya sa news program ng ABS-CBN na “TV Patrol.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging Star Patroller para sa “TV Patrol” ang anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde just recently.

Ito’y kasabay na rin ng pagpo-promote niya sa pinakabagong Kapamilya dance survival reality show na “Time To Dance” na nagsimula na last Saturday.

“I never thought I would be in TV Patrol. I grew up watching it. I am really grateful,” ang pahayag ni Gela tungkol sa kanyang pagiging Star Patroller.

Baka Bet Mo: Gela Atayde pinaiyak ni Sylvia Sanchez sa presscon, binalaan sa pagpasok sa showbiz: ‘Kapag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita…pero joke lang po yun’

Of course, payag na payag uli ang dalaga sakaling kunin uli siya ng production ng naturang news program. Kahit na raw medyo inatake siya ng nerbiyos ay super nag-enjoy talaga siya sa kanyang experience.


Bukod sa pagiging TV host, actress at dancer, certified singer na rin ngayon si Gela dahil siya ang kumanta ng theme song ng “Time To Dance” with Kyle Echarri.

“I messaged Kyle after, I said I have a song with Kyle Echarri. Sina Jonathan Manalo nag-push sa akin (kumanta). Ang pinasok ko pag-aartista, di lang pala yun,” natatawang sey ni Gela.

Inilarawan naman ng dalaga ang “Time to Dance” as her passion project, “I wanted to do this, I wanted to help those who want to learn and explore dance as well as to inspire.

“I have teammates that were not financially stable to fly with us… that was when the realization that hit me I want to help because I am privileged enough to. Nabuo siya because of the heart and passion,” dugtong pa niya.

Samantala, sabi naman ng co-host ni Gela sa show na si Robi Domingo, “We can see the passion of Gela and all the different kinds of personalities and walk of life doon.

“We usually get to know them pag champion na but we rarely see the journey and grabe paghihirap na hinaharap nila,” saad ni Robi.

Read more...