Regine, Ogie may pa-concert sa pamamanhikan ni Mito kay Leila

Regine, Ogie nag-instant concert sa pamamanhikan ni Mito kay Leila

Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Mito Curtis at Leila Alcasid

NAG-SHARE ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng ilang detalye sa naganap na pamamanhikan sa stepdaughter niyang si Leila Alcasid.

Simple pero naging masaya at memorable raw ang pamamanhikan ng musikerong si Mito Curtis kay Leila kung saan nagkasama-sama ang kanilang respective families.

Bukod kay Regine at sa kanyang husband na si Ogie Alcasid, present din sa okasyon ang nanay ni Leila na si Michelle Van Eimeren.

Kuwento ni Regine, napasabak rin sila ni Ogie sa kantahan na ikinatuwa ng lahat ng nasa pamamanhikan, lalo na ang pamilya ng fiancé ni Leila.

Baka Bet Mo: Ogie naiiyak sa pagpapakasal ni Leila, may ibinuking sa future manugang

“Ayun, masaya naman. We got to meet the family of Mito, her fiancé. So, we’ve got to meet them, it was a fun dinner.


“Dinner lang naman, wala namang anything na ano, dinner lang, tapos kumanta lang kami ng asawa ko.

“And they were so happy about the musical numbers, hindi naman nila ini-expect yun.

“We also didn’t think of doing it, parang last minute lang. It was a nice, nice dinner,” ang chika ni Regine sa mediacon ng series of Valentine concert niyang “Reset”.

Sey ng Asia’s Songbird, itinuturing na rin niyang parang anak si Leila kaya naman nagbibigay din siya ng advice sa dalaga kung kinakailangan.

Pero siyempre iba pa rin at mas matimbang ang mga payo ng nanay ni Leila na si Michelle.

“Normal lang naman yun kapag nanay ka, kahit unsolicited advice, kahit hindi hinihingi. Oo siyempre, kahit papaano, meron naman konting binibigay.

“But, I’m also…kasi I want her to have her time with her mom, si Michelle. Kasi siyempre meron din siyang sarili na i-impart du’n sa daughter niya.

“So, ayun, meron din akong konti, pero siyempre mas importante yung kay Michelle,” sey pa ni Regine.

Samantala, gaganapin sa Samsung Performing Arts Theatre sa Circuit, Makati City, sa February 14, 15, 21, at 22 ang “Reset” concert series ng Songbird.

Sagot ni Ate Regs kung bakit “Reset” ang title ng kanyang concert, “Reset, ecause we thought, you know, it’s the new year. A lot of people want to reset their lives, kung ano yung mga…especially yung mga hindi masyadong naka-experience ng magagandang moments last year.

“Di ba, yun naman yung mga ano natin, as a human being we can always reset? We can pause, and then reset.

“But as far as me is concerned, as far as the show is concerned, it’s really just me singing the old songs and resetting it, and in this moment now.

“Kasi siyempre a lot of these songs, especially yung mga originals, I sang them, like, 20 years ago. So, I’m excited to know how I would interpret those songs.

“Kasi marami din akong mga kantang kakantahin na never naging singles. So, ibig sabihin, isang beses ko lang kinanta nung ni-record ko lang. So, I’m excited,” pahayag pa ni Regine.

Sa February 14 at 22 ay puro originals ang naka-lineup na mga songs sa “Reset”, at sa February 15 at 21 ay mga covers naman ang kakantahin ni Ate Regs.

Read more...