Lee O’Brian may sweet b-day message sa anak, Pokwang nanggigil sa comments

Lee O’Brian may sweet b-day message sa anak, Pokwang nanggigil sa comments

Lee O’Brian and Malia, Pokwang

MADAMDAMIN at emosyonal ang mensahe ni Lee O’Brian para sa birthday ng anak nila ni Pokwang na si Malia.

Ito ay sa pamamagitan ng one-minute video message na ibinandera mismo ni Lee sa kanyang Instagram page.

Bungad niya sa post, “Well sweet Malia, guess what I heard, it’s your birthday! Happy Birthday, my love!”

Kasunod niyan ay isa-isa na niyang inilahad ang birthday wishes para sa kaarawan ni Malia.

“Wishing you the very best in the coming year, hope it’s lots of fun, hoping you’re making a lot of friends, hoping you’re having a great time, and I hope you celebrate your day well. Nana, grandpa, tita, the whole family, we all love you and wish you the very best. We love you and I hope you’re enjoying your day very much and we wish you the best in the coming year,” mensahe ng ama ng anak ng komedyana.

Baka Bet Mo: Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Inaalala rin ni Lee ‘yung panahong isinilang si Malia: “I just want you to know sweetheart, seven years ago today was the greatest moment of my life.”

“You came into this world and I got to hold you for the first two hours of your life. You’re in my arms and it was the best,” sambit niya.

Aniya pa, “I love you, I miss you more than anything. And even if we’re not together, I’ll always be in your heart and you’re always be in mine. I’m thinking of you everyday.”

“I miss you, my love. Happy Birthday! I love you so much!” muli niyang pagbati bago matapos ang video.

Sa comment section, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens na kung saan may ibang napukaw sa naging mensahe ni Lee at may ilan ay sinasabing for the content lang ito.

Kapansin-pansin din na tila naimbyerna si Pokwang sa ilang IG user at sinagot ang mga ito.

Kabilang na riyan ang isang nag-comment na ang sabi ay: “Pokwang naintindihan namin yung side mo. Baka iba ang pagkaintindi mo sa pagiging ama. Maraming ama na kahit batiin man lang ang anak hindi na inaaksayahan ng oras kasi ayaw na nilang makipag-communicate at wala na silang pake sa bata emotionally. Kung sa iba palang yan blocked ka na dito eh pero hindi nag cocoment ka parin dito [laughing emoji].”

Ang hirit sa kanya ng komedyana, “Sip sep uten spotted!!! Enabler ng mga inutil! Bwahahaahaa kawawa!”

May isa pang ikinumpara si Pokwang at ang kapwa-aktres na si Ruffa Gutierrez: “Si Rufa ‘nung iniwan niya si Bekas walang sustento sa mga anak napalaking maayos ni Rufa mga anak pero hindi siniraan ni Rufa sa mga anak ang ama nila. Ngayon nasa tamang edad mga anak sila na naghanap sa ama nila. Nasa pagpapalaki ng magulang kung ang isang anak magtatanim ng galit sa ama.”

Ang sagot sa kanya ng aktres, “Excuse me inday hindi ko siya siniraan sa anak niya! Siya ang sumira sa sarili niya and si Ruffa at ako tayong lahat magkakaiba wag kang feeling alam lahat kaloka ka!”

May kumampi naman kay Pokwang at naniniwalang “for content purposes only” ang ibinandera ni Lee.

Saad ng netizen, “Nag-throwback siya kung gano siya kasaya ng pinanganak si Malia?? Samantalang nagalit nga siya kay mamang ng nabuntis siya kay Malia. Sorry ha pero parang content lang bati nyan, just saying. Anyway happy birthday baby Malia, enjoy your day with your mom [red heart emoji].”

Ani ni pokwang, “Sa awiting….. meow meow meow meow….[laughing emojis].”

Kung matatandaan, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee.

Ilan sa mga rason kaya niya ito iniwan at pinalayas sa kanyang bahay ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Noong December 23 naman nang pinanigan ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na mapa-deport ang dating partner.

Read more...