HINATULANG makukulong ng anim hanggang sampung taon si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang dating city administrator na si Aldrin Cuña.
Ito ay matapos silang mapatunayang nagkasala sa “graft” kaugnay ng isang proyekto noong 2019, ayon sa report ng GMA News.
Para sa kaalaman ng marami, ang graft ay tumutukoy sa korapsyon o paggamit ng posisyon sa gobyerno upang makalamang o makakuha ng personal na pakinabang, karaniwan sa pamamagitan ng hindi patas o ilegal na paraan.
Baka Bet Mo: Ano nga ba ang ipinangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?
Sa desisyon ng Sandiganbayan, ang dalawa ay napatunayang nagkasala dahil sa anomalya sa procurement ng Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS) na nagkakahalaga ng P32 million.
Bukod sa parusang pagkakakulong, hindi na rin sila pwedeng magkaroon ng posisyon sa gobyerno.
Bagamat hindi na inutusan ng korte na magbayad ng multa ang dalawa, ipinaliwanag na ang public funds na ginamit ay natanggap na ng pribadong kumpanyang hindi kasamang nasasakdal sa kaso.