Ice Seguerra, Sitti naglasing sa mismong kasal ni Juris, wasak ang puso
By: Ervin Santiago
- 10 hours ago
Princess, Nyoy, Duncan, Sitti, Kean, Juris at Ice
PARANG eksena sa teleserye at pelikula ang nangyari kina Ice Seguerra at Sitti noong ikasal ang kanilang kaibigan at kasamahan sa Sessionistas na si Juris.
Binalikan ni Ice ang naturang insidente sa muling pagsasama-sama ng mga miyembro ng Sessionistas na sina Nyoy Volante, Sitti Navarro, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano at Juris.
Humarap sa ilang miyembro ng media kamakailan ang pitong OPM artists para sa presscon ng kanilang pre-Valentine concert na “Love, Sessionistas” produced by Fice & Ice Productions.
Si Ice ang nagkuwento sa ginawa nila ni Sitti noong kasal nina Juris at Gavin Lim noong November 19, 2011, sa Mary the Queen Parish Church sa Greenhills, San Juan City. Napag-usapan kasi sa presscon kung gaano ka-close sa totoong buhay ang Sessionistas.
“Naalala ko noon, eto hindi ko ito malilimutan. Kasal ito ni Juris, okay. Pareho kaming broken-hearted ni Sitti. Naalala ko iyon, sa sobrang broken-hearted namin, tumambay pa kami sa Burgos Circle.
“May dala kaming wine, nasa gitna lang kami, nagkukuwentuhan kami. Tapos naiinggit kami kay Ju, kasi parang nahanap na niya yung kanyang The One, alam mo yun. Na parang…”
Biglang sumingit si Sitti, “Naalala ko yun. Hindi ko mapanood si Juris saka si Gavin kasi sobrang hindi ko ma-take. Hindi ko alam kung nangyari na ba sa inyo yung ganung level na kawasakan.
“Na hindi ninyo kayang makita yung sobrang pag-ibig ng dalawang tao sa isa’t isa. Alam mo, hindi ko talaga matingnan, kasi, walang-wala ako nu’n,” sabi ng tinaguriang Bossa Nova Queen ng Pilipinas.
Sey naman ni Ice, “Oo, sobrang lasing na lasing kami. Nandu’n kami sa gitna ng Burgos Circle. Tapos, di finally, sabi ko, ‘Tara, Sitts, ihatid na kita sa inyo.’
“Lasing na lasing na ito. Hinahampas na yung driver namin. ‘Kuya, kaliwa!!!’ Hahahaha! So, umabot kami sa ganu’n!” sabi pa ni Ice.
Pagpapatuloy pa ng singer-songwriter, “Even my past relationships, they were witnesses to that, na how it was falling apart. So alam nila yun.
“Kumbaga siguro yun, kumbaga nakakatuwa lang na na-witness man nila yung pagkakawala nung dating relasyon ko, nakita rin nila kung paano nagsimula yung sa amin ni Liza (Diño).
“And how it blossomed, and now we’re ten years together. Married. So nakakatuwa, nandiyan sila. Kumbaga, kaya masasabi ko na itong relasyon namin na meron kami, itong grupong ito— hindi lang siya showbiz, alam mo yun.
“We were there for each other. Like literal, nandiyan kami for each other. So I think ang laki rin siguro, masasabi ko na yung love na kung anuman yung iniisip ko, what love is… sila iyon, in different phases.
“Eto yung epal na love. Ha-hahaha! No, seriously. I love these guys,” dugtong ni Ice.
Matatandang nag-start ang Sessionistas noong 2009 sa “ASAP” at kahit hindi na sila napapanood sa naturang Sunday musical show ng ABS-CBN ay nagpatuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Sey ni Juris, “I think what I like a lot is that I got to witness, yun nga, simula ng mga pagmamahalan nila sa mga partner nila, mga asawa nila, and sa mga anak nila.
“And nag-iba na yung mga sharing namin. Like siguro after ilang mga years, we would meet up for lunch. ‘Iba na ang usapan natin, ah. Usapang pang-nanay.’
“I like being part of… I mean, that I am able to witness those changes in their lives. And we learn from each other as well.
“Kasi, we’ve become parents. Napag-uusapan ang parenting. Masaya ako na meron akong grupo na puwede kong pagtanungan, puwede kong hingan ng advice, or maybe learn from them,” ani Juris.
Para naman kay Sitti, “Of course, pag isinilang tayo, ang pinaka-unang klase ng pag-ibig na mararanasan natin, yung pag-ibig ng magulang.
“At dahil siguro galing siya sa magulang, we take it for granted. We don’t treasure it as much as we can. And para siyang… yun nga, kasi, mahal ka ng magulang mo, e. So parang hindi mo siya masyadong pinag-iisipan.
“Hanggang sa yun nga, wasak na wasak kami ni Ice dun sa Burgos Circle. And then, yun nga, nagkakaedad ka.
“Nagkakaroon ka ng desire na makaramdam ng pag-ibig in a romantic sense. And then you get it, and then you don’t, and then you think it’s for your good, and then it’s not.
“And then, you don’t really know if there’s someone out there who would accept you for everything that you have, and everything that you are, and everything that you will be, and everything that you don’t have, and everything that you are not.
“And then, finally, God blesses you with someone who actually really loves you, and hindi ka makapaniwala.
“Actually I wrote a song about this for my husband… ‘Alam mo ba kung paano mo napasaya / Ang buhay kong noo’y walang kagana-gana.’
“Kasi ganun ako before na I was just going through the motions of life, just living, na parang grayscale lang lahat. Pero nandu’n ako.
“And then he came, si Joey (Ramirez). And we’re getting our 10 years married this year,” aniya pa.
Dagdag pang chika ni Sitti, “Sobrang nagkakulay ang buhay ko. Pagdating ng taong ito, nagkaroon ng kahulugan, ng kulay, ng bigat, ng something ang word na pag-ibig.
“And then I became a mom. I have two kids, six years old and three years old. And sila naman din, may dala rin silang lessons sa akin kung ano yung pag-ibig.
“And I learned true love also from my six year old, na kahit feeling ko, ang dami kong palpak as a mom, she would still hug me and say, ‘You’re the best mom!’
“Tapos ako, how could you say that I’m the best mom, and inwardly and outwardly I do a lot of things na for me, hindi ako best. But there she is, in all her pure love for me, saying that.
“And I come to the conclusion now, for now, at this moment— love is a gift that when you have it, talagang you should really treasure it,” dagdag ng singer.
Samantala, sold-out na ang tickets sa “Love, Sessionistas” na gaganapin sa February 8, 2025, sa The Theatre at Solaire, Parañaque City. Magaganap naman ang day 2 ng concert sa April 4, sa nasabi ring venue.