GAGASTUSIN ng “The Voice USA” grand champion na si Sofronio Vasquez ang bahagi ng napanalunan niyang cash prize para sa kanyang music career.
Nag-uwi ang Filipino pride ng $100,000 o P5.9 million mula sa nasabing international reality singing competition sa Amerika.
“Gagamitin ko ‘yung pera na ‘yun of course as investment du’n sa music,” ang pahayag ni Sofronio sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila na napapanood sa kanyang YouTube channel.
“Kasi music talaga eh, and now I was given the chance to penetrate the mainstream which is America, gagamitin ko talaga ‘yun.
Baka Bet Mo: Sofronio inalala ang advice ni Rey Valera: ‘Ikaw gagawa ng sarili mong swerte’
“Kumbaga if I have to produce myself, if I have to reach out to people, big names, always naman akong ganun, kumbaga, a no is a no, and a yes is a yes.
“So try lang ako. Kung makatanggap ako ng no, then move on to another,” ang pagbabahagi pa ni Sofronio na umuwi muna sa Pilipinas para sa kanyang mga natanguang commitments and orher projects.
Bukod sa cash prize, magkakaroon din siya ng kontrata sa isang record label sa US, “Meron din po ako talagang automatic na recording label dun sa Republic Records.”
Naniniwala na ngayon si Sofronio na dumating na talaga ang tamang panahon para maipakita at maiparinig sa buong mundo ang kanyang musika at very proud siyang ibandera ang pagiging Filipino.
“When I look back nu’ng nakikita ko ‘yung mga kakilala ko na nagiging champion sinasabi ko rin na champion na sila sana ako rin maging champion and ngayon pala ‘yung moment na binigay sa akin na maging champion na ako,” sey pa ng binata.
Samantala, hindi raw siya magsasawang pasalamatan ang kanyang coach sa “The Voice” na si Michael Bublé na itinuturing na rin niyang parang ikalawang ama.
“Michael Bublé is just an amazing person. He is just so kind, he is very genuine sa akin kaya forever kong ite-treasure kung paano niya ako minahal.
“Hindi man kami parehas ng lahi, pinaparamdamm niya sa akin kung paano magmahal ang isang tao kahit hindi mo kadugo.
“Naramdaman ko sa kanya kung gaano siya kaswerte sa buhay at shinare niya sa akin. Nakita ko ‘yung tatay ko sa kanya. Nami-miss ko si Papa.
“Sinasabi ko nga sa kanya, naa-appreciate ko ‘yung moments ko with your kids, sabi niya ‘Sofronio you will be my 5th kid,’ so nakakatuwa,” sabi pa niya.