Andrea ipinagmalaki ang ‘pretty face’: ‘Dahilan na nakatulong ako sa pamilya’

Andrea ipinagmalaki ang ‘pretty face’: 'Dahilan na nakatulong ako sa pamilya'

PHOTO: Instagram/@blythe

PARA kay Andrea Brillantes, malaking ambag ang kanyang magandang mukha upang magtagumpay sa kanyang karera.

Ito rin daw kasi ang naging dahilan kaya malaki ang naitulong niya sa kanyang pamilya.

Kamakailan lang, hiningian ng reaksyon si Andrea bilang siya ang itinanghal na number one sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces 2024” ng critic website at UK-based na TC Candler.

“Sobrang saya ko nung nalaman ko ‘yun. Dati kasi sobra akong nabubully sa school. Parang never ako talaga naging maganda. So nung nalaman ko ‘yon gulat na gulat ako,” pag-amin niya matapos tanungin sa “ASAP.”

Dagdag niya, “Siguro binigay sakin ni Lord ‘yung ganitong mukha kasi madami akong pagdadaanan sa life.”

Baka Bet Mo: Andrea dedma sa Halloween 2024: ‘Literal na igo-ghost ko kayo!’

“Sa mukha ko kasi na ‘to nabayaran ko ‘yung pampakain ng family ko, lahat ng ’to, nagagawa ko dahil sa face ko. So sabi niya, ’At least gawin nating maganda ’tong babaeng ‘to,’” pagbabahagi pa ng young actress.

Nang tanungin kung ano ang sikreto niya sa pagkakaroon ng “pretty face,” ayon sa kanya, ito ay dahil sa relasyon niya sa Diyos, self-love, at good environment.

“Kaya rin walang effect ‘yung top 1 sakin kasi bago nila sabihin na top 1 ako, because for me, in my eyes, top 1 na ako. Piliin mo lang mahalin ang sarili mo kahit ang hirap. Simulan niyo lang unti-unti. Hindi siya overnight. Wala naman nagrurush satin,” sambit niya.

Maliban kay Andrea, ang ilan pang Pinay na pasok sa nasabing listahan ay sina Janine Gutierrez na nasa Top 28, Liza Soberano na napunta sa ika-31 na pwesto, Belle Mariano na pang-52, Ivana Alawi na naging 69th place, Gehlee Dangca ng K-Pop girl group na UNIS na nasa number 82, at si Aiah Arceta ng BINi na nasa 88th rank.

Natalo ni Andrea si Nancy McDonnie ng K-Pop girl group na Momoland na nag number one last year, pero nasa Top 10 na ngayon.

Ito na rin ang ikalawang beses na nakasali si Andrea sa nasabing listahan na kung saan noong nakaraang taon ay pang 16th place siya at tanging Pinay na napabilang sa Top 20.

Read more...