Richard itinanggi ang chikang si Annabelle ang rason ng breakup nila ni Sarah

Richard itinanggi ang chikang si Annabelle ang rason ng breakup nila ni Sarah

Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, Annabelle Rama

KAY Richard Gutierrez na mismo nanggaling na walang kinalaman ang kanyang inang si Annabelle Rama sa isyung hiwalayan nila ng misis na si Sarah Lahbati.

“Kilala naman natin ang nanay ko…Masarap na kaibigan, masamang kaaway,” sey ng aktor sa YouTube interview ni Ogie Diaz noong January 16.

Patuloy niya, “Ang nanay ko lang, talagang pag inudyukan mo ‘yan, lalaban ‘yan.

“E bago lang siya sa social media…So may nababasa siyang mga negative comments, gusto niyang patulan lahat.”

Ngunit madalas naman daw nilang pinaaalalahanan ang ina na huwag nang pansinin ang mga komento sa socmed dahil karamihan dito ay “fake news.”

Baka Bet Mo: Maxene Magalona nagbabala tungkol sa mga pekeng kaibigan: ‘They are very, very real’

“Naaawa nga kami sa mom namin kasi ‘nung pumutok ‘yung issue tungkol sa hiwalayan namin [ni Sarah], parang siya ‘yung napagbintangan na cause,” sambit ni Richard.

Kasunod niyan ay iginiit ng celebrity dad na hindi si Annabelle ang dahilan ng breakup nila ng misis na aktres.

Sambit niya, “E wala naman siyang kinalaman do’n. Nagulat na nga lang siya na nangyari ‘yun.”

“To a certain point talagang lalaban din siya pero only to protect her kids and protect herself. Hindi naman siya nang-aaway ng tao nang walang reason,” dagdag niya.

Sa ngayon raw ay inaasikaso na ng mag-asawa ang annulment at ang priority nila ay ang dalawa nilang anak na sina Zion at Kai.

“Kung ano man ‘yung dahilan [ng breakup], matagal na panahon na ‘yon,” lahad ni Richard.

Aniya pa, “Let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward. Ang wish ko lang ay sana maging masaya siya sa lahat ng nangyayari or desisyon niya, kasi ako, moving forward, happy din ako.”

Kung matatandaan, May last year nang tuluyan nang kinumpirma ni Sarah na “single” na sila ni Richard.

Maaalalang unang kumalat ang chikang hiwalay na ang celebrity couple matapos mapansin ng netizens na hindi na sila madalas mag-post ng pictures together.

Mas tumindi pa ang chika nang makita sa socmed na hindi magkasamang nag-Halloween ang dalawa.

Read more...