SINO sa inyo ang inumpisahan nang panoorin ang latest action series na “Incognito?”
Bago niyo ma-experience nang lubusan ang kwento ng tapang, sakripisyo, at pagkakaisa ay alamin muna natin ang mga detalye behind-the-scenes!
Maswerte ang BANDERA dahil eksklusibo naming nakachikahan ang buong cast ng serye na sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Maris Racal, Kaila Estrada, Baron Geisler, Anthony Jennings, pati na rin ang direktor na si Lester Pimentel Ong.
Ibinahagi nila ang kanilang mga kwento at karanasan sa likod ng pinakabagong Pinoy action series na mapapanood na sa Netflix – tatlong araw nang mas maaga sa premiere ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Daniel gustong paandaran ang tatay: Malamang panis siya sa ‘kin!
Sa panayam, unang inilarawan ng mga bida kung sino-sino ang mga karakter sa serye, heto at isa-isahin natin sila:
Daniel bilang Andres Malvar: “Scout Ranger, dugong Igorot.”
Richard bilang Jose Bonifacio: “Navy Seal, comes from a military background.”
Ian bilang Greg Paterno: “Marami nang combat experience at misteryoso.”
Maris bilang Gab Rivera: “Spy.”
Kaila bilang Max Alvero: “Hacker.”
Baron bilang Miguel Tecson: “Sniper-medic, and recovering alcoholic.”
Anthony bilang Thomas Guerrero: “Matapang.”
Kasunod niyan, ipinaliwanag ni Direk Lester ang konsepto ng “Incognito” na umiikot sa mundo ng private military contractors.
“The idea is about a private military contractors…isa [itong] entity na ine-engage ng governments all over the world to do missions. Hindi sila mga sundalo, pero gumagawa sila ng military work. So parang sub-contractors sila,” paliwanag niya.
Sey pa niya sa amin, “it is something very interesting na hindi pa masyadong familiar ‘yung general public, so gusto namin ikwento ‘yun.”
Ipinaliwanag din ng filmmaker kung bakit ang isa sa napili nilang location shoot ay ang Matera at Bari ng Italy: “Ito ‘yung very mysterious looking city or town na parang hindi siya palaging nakikita on-screen, lalo na ng Filipino viewers na bagay na bagay para maikwento ‘yung mga misyon nila. We want to bring them to another place to have a different experience while viewing these Filipino actors.”
“Bagay na bagay ito para sa misyon nila, at para na rin dalhin ang audience sa kakaibang lugar na di pa nila nakikita,” dagdag pa niya.
Nang tanungin naman namin si Direk Lester kung ano ang naging criteria niya sa pagpili sa mga nabanggit na artista para sa serye.
Ang sagot niya, “Para sa akin, sila ang pito sa mga pinakamagaling na artista dito sa Pilipinas. World class talents. And then they’re physically good, athletic lahat. Kaya nilang i-portray ‘yung role sa acting at tsaka sa athleticism nila…It’s very unique talent that they have in them.”
Samantala, para kay Baron, ang “Incognito” ay higit pa sa isang action series.
“It’s not just an action series. It’s a series with heart, soul and a lot of people will relate to each character na prinovide ng writers. So we really have a good story aside from action 360, good action team, and direction from Direk Lester Pimentel. We have a great, great story so malamang, kakapit ‘yung mga manonood,” pagmamalaki ng batikang aktor.
Inamin naman ni Maris na nakaramdam siya ng kaba sa unang pagsabak sa ganitong klase ng genre.
Ito kasi ang unang beses na gumawa ng action project ang aktres, gayundin si Kaila.
Gayunpaman, lubos siyang nagpapasalamat dahil naging malaking tulong ang suporta ng kanyang co-stars.
“I really appreciate all of them kasi they’re so helpful in so many ways. And I always feel validated after every takes kasi sa sobrang supportive nila, including ‘yung master namin si Papa Ian, so yeah, sobrang supportive nilang lahat and very encouraging kaya hindi ako nahihiyang gumawa ng stunts,” chika niya.
Para kay Kaila, isang malaking karangalan ang maging bahagi ng seryeng nagtatampok ng mga babaeng malalakas ang karakter.
“Our characters are very strong women and I feel like it’s important for us to show that, especially in a genre that is so male centric. And hopefully, we’ve done our part in portraying these characters ‘cause it’s an honor for us to even just be chosen to play these characters,” wika niya.
Ani pa ng dalaga, “Hopefully will be able to inspire the audience and whoever is watching na kaya namin.”
Ang kwento ng “Incognito” ay iikot sa isang undercover cop na kailangang pasukin ang buhay ng isang ordinaryong babae upang alamin kung siya nga ba ang isang mapanganib na top criminal.
Sa kalaunan, natuklasan na hindi hustisya ang nagtutulak sa kanya kundi paghihiganti para sa isang nakaraan niyang trauma.
Habang lumalalim ang kwento, nalalagay sa peligro ang buhay ng lahat ng mga tauhan.