Richard Gutierrez na-fall sa pagiging totoo ni Barbie Imperial

Richard Gutierrez na-fall sa pagiging totoo ni Barbie Imperial

MAPAPA-SANA all ka na lang talaga sa naging rebelasyon ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez kung ano ang kanyang nagustuhan kay Barbie Imperial.

Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz na ipinalabas nitong Huwebes, January 16, nausisa siya ng talent manager tungkol sa kung bakit o ano ang nagustuhan niya sa dalaga.

“Si Barbie kasi totoong tao. What you see is what you get talaga sa kaniya. Mabuting tao, maalaga,” saad ni Richard.

Pagpapatuloy niya, “Makikita mo na genuine ‘yong intentions niya, genuine ‘yong pagkatao niya.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez kay Barbie: Wala siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah

Kuwento ni Richard, nagsimula silang magkakilala ni Barbie noong magbukas ang isang bar sa Alabang kung saan unang pumutok ang chika tungkol sa kanila.

Nakunan kasi silang dalawa ng mga pictures ar videos na siyang kumalat rin at naging laman ng mga balita.

“Do’n namin nakilala ang isa’t isa. Masaya siyang kasama. Enjoy kaming dalawa. Doon na nagsimula,” sey ni Richard.

Matatandaang January 2024 nang maiulat at mausisa ng mga netizens kung ano may something ba sa pagitan nilang dalawa dahil spotted silang magkasama sa isang bar.

March 2024 naman nang kumpirmahin ng aktres at asawa nitong si Sarah Lahbati na hiwalay na sila ni Richard.

Sa ngayon ay abala ang aktor sa pag-aasikaso ng annulment ng kanyang dating asawa na si Sarah Lahbati.

Sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa ay hangad naman ni Richard ang kasiyahan ni Sarah.

Read more...