MAY nabasa kami na isa pang hinihintay na mag-react tungkol sa viral video ng guwardiyang nanira ng panindang bulaklak ng estudyante ay ang aktor/direktor at producer na si Coco Martin.
Kilala rin kasi si Coco na maawain at matulungin sa mga taong alam niyang may mga pangangailangan. Ang istilo ng aktor ay hindi siya namimigay ng pera dahil katwiran niya ay madaling maubos ito, bagkus ay bibigyan niya ito ng trabaho lalo na kung artista.
But since hindi naman artista si manong guard ay posibleng mabigyan ito ng trabaho sa ibang paraan ni Coco.
Anyway, ang saya-saya ng aktor/direktor at producer dahil ang serye nitong “FPJ’s Batang Quiapo” ay nagdiwang ng ika-500 episodes kahapon (Enero 16).
Baka Bet Mo: McCoy papatayin na rin sa ‘Batang Quiapo’, Andrea ipapasok ni Coco Martin
Si Coco ay si Tanggol na base sa umeereng kuwento ng BQ ay galit na galit na siya sa kinilalang amang si Rigor (John Estrada) dahil kaya pala siya bugbog sarado nu’ng bata pa ay sa dahilang hindi siya tunay na anak kaya gusto niya itong patayin.
Sinuwerte nga lang si Rigor at hindi siya tinamaan ng mga balang pinakawalan ni Tanggol nu’ng nakita siya.
Base sa panayam ni Coco sa TV Patrol, “Ginalaw ko na ‘yung bawat character. Ito na ang lahat ng revelation kasi may papasok na mga bagong karakter at panibagong kwento. Gusto namin na parang ibang show na ang pinapanood ng viewers para hindi natatapos ang excitement gabi-gabi.”
Samantala, makiki-fiesta ang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa masayang selebrasyon sa “Sinulog Kapamilya Karavan” na gaganapin bukas, Sabado (Enero 18), 4PM sa Ayala Center Cebu.
Kaya sa mga gustong makita ang buong cast ng Batang Quiapo ay ito na ang pagkakataon ninyo na pumunta sa Ayala Center Cebu.
Anyway, huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.