“TULUNGAN natin si Guard..kawawa may pamilya yan,” ito ang post ng isa sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo na si Rosanna Roces sa kanyang Facebook account kaninang tanghali.
Ang tinutukoy na ‘guard’ ni Osang ay ang security guard na tinanggalan ng ttrabaho ng kilalang mall dahil sa pagsita at pagsipa nito sa estudyanteng nagtitinda ng Sampaguita.
Base sa napanood naming viral video ay nakaupo ang estudyante sa hagdanan at nilapitan siya ng guwardiya ng mall para paalisin okay n asana ‘yun, pero ang masaklap ay sinira pa nito ang bulaklak na paninda ng bata kaya ang ending gumanti ito at inihampas sa sekyu ang panindang bulaklak at dito na sinipa ang pobreng bata.
Baka Bet Mo: Rosanna Roces enjoy sa taping ng ‘Pamilya Sagrado’, panay luto ‘pag day off
Sabi ng iba, miyembro ng sindikato ang nagtitinda at kunwari lang ito dahil ang target ay makapanglimos.
Granting na miyembro nga pero bata ‘yun bakit kailangan saktan ng sekyu? Wala ba siyang anak na babae?
Anyway, sa mga hindi nakakaalam ay maawain at matulungin si Rosanna na hindi lang niya ito ipinagsasabi at ayaw nga rin niya ito ipasulat, pero since nag-post siya sa kanyang social media account na tutulungan niya si Manong guard ay nalaman na ng lahat.
PInapahanap ni Osang kay katotong Morly Alinio, host ng DZRH radio ang guwardiyang tinanggalan ng trabaho ng kilalang mall.
Post ni Rosanna, “Pahanap nu’ng Guard Morly Alinio tutulungan ko ‘yan. Magiging precedent ‘yan babastusin na lahat ng Guard na ginagawa lang ang trabaho nila.”
Dagdag pa, “Dun tayo sa Guard..nagta-trabaho ng Legal yan hindi nagpapanggap na guard lang. No to palimos at iba pang uri ng pangloloko!”
Samantala, ang security agency na kinabibilangan ng guwardiya na REDEYE II MANAGEMENT ay humingi na ng dispensya sa inasal ng kanilang empleyado.
Ayon sa ahensya, “We sincerely apologize for the actions displayed in the video and assure everyone that we are already conducting due process with the guard involved
“May this serve as a reminder to all agencies of the values we must uphold in performing our duties. It is crucial to prioritize de-escalation and avoid letting emotions take control of our actions.”
Base naman sa imbestigasyon ng Mandaluyong Police ay iskolar ang bata, edad 18 at nagtitinda ng Sampaguita para sa pambaon niya at pangdagdag gastusin sa pangangailangan ng pamilya.
Going back to Rosanna Roces ay ang pamilya ng sekyu ang iniisip niya dahil alam niyang nangangamba sila nab aka tuluyan ng hindi makahanap ng trabaho ang Padre de Pamilya nila.