KUNG may mga naawa sa viral “sampaguita vendor” sa isang shopping mall sa Mandaluyong, meron din namang kumampi sa sekyu o security guard na nagtaboy sa kanya.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizens na nakapanood sa kumalat na video ng batang babaeng nakasuot pa ng school uniform habang pinaaalis ng sekyu sa bisinidad ng mall.
Nu’ng una ay puro pamba-bash ang nabasa namin mula sa mga social media users laban sa security guard pero kasunod nga nito ang pagkampi at pagtatanggol ng ilang kababayan natin sa kanya.
Ayon sa mga ito, hindi tamang husgahan agad ang security guard sa ikinilos nito sa pagtataboy sa batang nagtitinda ng sampaguita na talagang nanlaban habang pinapaalis siya sa harapan ng shopping mall.
Baka Bet Mo: John Arcilla sa nasibak na sekyu: Bakit kailangang wasakin yung tinda ng bata?
Narito ang ilan sa mga comments ng ating nga ka-BANDERA na nagtanggol naman sa sekyu.
“Ung iba dto makapanghusga Akala mo napaka perfect, Masaya na cgro Yan sa mga taong mawalan Ng hanapbuhay dahil sa pagsunod sa patakaran at pambash Ng ND nmn alam ang buong katotohanan,
Alam na Mang bawal mag tinda Jan, nong sinita sana sumunod at ND na nag matigas ung bata, Kaya nagawa nmn Yan Ng nakaduty na gwardya ei trabaho nila Yan ei, na PAG bawalan na ND magtinda during mall hours , kng sumunod sana ung bata ND suwail o matigas o ulo sana ND umabot sa ganyan.”
“Dahil sa ginawa Ng bata, may pamilya syang nawalan Ng hanapbuhay,
Nagalit ung bata Kasi nasira ung paninda nia,saana sumunod sya nong sinita sya.”
“Ang daling mag comment at mag judge ng kapwa nho, lalo na pag wala kayo mismo doon sa lugar at di nyo nman talaga alam ang buong istorya. 1 sided as always ganun ka toxic social media.”
“Theres anoher side of the story malamang to. Wait ntin. imposible nman kc na ganyan nlng reaksyun ng guard eh tinuruan nman sila sa maximize in tolerance. Hindi nman cguro ganyan kakitid ang gwardya may orientation mga yan cguro matigas ulo ng bata kahit anong pakikiusap alam mo nman ang video pwde ipakita ang bad side na. Wen i first saw the video wla akong kinampihan both side its just i know kailangan ntin malaman anong punot dulo before judging the gwardya agad agad. Sa katigasan din ng ulo ng mga ibang bata ngayun na katatapang sumagot.”
“Ndi q po kinakampihan Yun security guard at Mali KC tlga Yun ginawa nya n pag hablot s sampaguita dahilan pra masira Yunpero Yun asal din po Ng bata Bkt ganun..pag my mabuting asal DN po ang bata ndi po magiging gnun reaksyon nya. Ibang bata KC iiyak lng Yun ..lalaban DN KC..dpat maging pair po tau s lahat..imbistigahan po muna ang lahat..KC khit cnong guard ang magbantay dun Pg my matitigas n ulo tlga nkakahirap DN po s work Ng nka duty.”
“Yung mga pulubi dyan sa tapat ng Fashion Hall entrance SINDIKATO lahat yan. Ginagamit lang sila. Everyday ako nagagawi ng Megamall after office lang since nagwowork lang ako nearby at sa tagal ko na pumupunta ng Megamall (32 years na) So alam ko style ng mga pulubi dyan. Protocol ng guard dyan na paalisin sila Pero in the right way.”
“Pag tamad sa trbho, tanggal, pag ginagawa ung trbho. May kaso?? Ano ba, tlg!? Onnli in d pilipins.”
“Na aalala ko nong guard pa ako sa isang mall grabi yong mga vendors kahit anong taboy mo di talaga nakikinig sayo kahit kausapin mo pa nang mainahon at maayos di nakikinig sila pa ang galit, tapos pag nag roroving yong headguard namin tapos nakitang my mga vendors ako ang napapagalitan, ang herap talaga maging guard pag natapat ka sa mga vendors na napakatigas nang ulo. Kaya ako nalang nag resign.”
“Di na guide Ng Tama Yung bata aggressive din pinaghahampas Yung guard Ng sampaguita alam nmn Ng lahat bawal magtinda sa mall premises sana na guide Ng Tama Yung bata na di lumaban sa matatanda nawalan p tuloy Ng trabaho Yung guard pano n pamilya nya ginawa lng nmn nya ung rules Ng mall.”
“Huwag basta sisihin na lng ang Sekyu, base don sa mga nka Kita don sa mismong pinangyarihan, itong Batang Babae (hindi lng nakita sa video) sinita sya ni Guard ilang beses na, at pina-f*ckyouhan ng Bata yung Guard. Hindi man lng sya nirespito ng bata ikaw ba naman f*ckyuhan sa harap ng maraming tao. i Ginagawa lng naman ni guard trabaho niya.”
“Yung Video na viral yan na yung part na nagkaabotan na sila dahil ayaw umalis ng bata, hindi lng yan, my bato pa yan tinapon sa guard. Kita niyo naman sa galaw nong bata npaka agresibo, kung matinong bata yan na nagtitinda lng nakiusap nlng sana siya sa guard na wag muna paalisin.”
“Andon na tayo sa point na naawa tayo sa bata, dhil sinira paninda nya at May mali din nmn si guard. Pero Isipin nyo? May mawawalan ng trabaho dahil meron bata na walang disiplina.”
“Bakit tatanggalin sa trabaho ang guard i’m sure matigas ang ulo nang bata it shows bayolente sinita muna yan i’m sure d naman basta manghahablot ng paninda yung guard dapat yung magulang ng bata ang sitahin bakit mo hinahayaan magtinda sa harap ng mall ang anak mo.”