Miss Glenda thankful na ‘buhay’ pa ngayong 2025: I almost died, many times

Miss Glenda thankful na ‘buhay’ pa ngayong 2025: I almost died, many times

PHOTO: Facebook/Glenda Dela Cruz

HINDI naging maganda ang taong 2024 para sa business woman at TikTok personality na si Glenda Dela Cruz o mas kilala bilang si “Miss Glenda.”

Kaya naman para sa taong ito, tinitiyak niya na siya ay babangon muli mula sa mga naging pagsubok, lalo na’t 100% healthy na ang CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc.

Sa isang Facebook post, emosyonal na nag-open up si Miss Glenda tungkol sa health scare na nalampasan niya.

“Lord, alam mo ang nasa puso ko, papuri sayo Panginoon dahil binuhay mo pa ako at hinayaang magpatuloy [red heart emoji],” sey niya sa post.

Baka Bet Mo: Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: ‘Nabababoy tuloy yung term na CEO’

Ibinunyag niya na halos isang taon siyang naka-confine sa ospital: “Sinimulan ng January, naoperahan, nasalinan ng dugo, akala ko hanggang doon nalang ‘yon pero ito ay nagpatuloy [crying emoji].”

“I was in hell, hindi ko na nakikita ang mga anak ko at halos pasuko na rin. Pero kay buti mo, ginusto mo pa na lumaban ako [folded hands emojis],” wika niya.

Bukod sa mga nag-alaga sa kanya, lubos din siyang nagpapasalamat dahil kasabay ng kanyang paggaling ay muling umaasenso ang kanyang negosyo.

“Mula sa #PINAKAMAHINA hanggang sa aking muling PAGBANGON. Ilang buwan palang ang aking pagbabalik pero binalik mo na ulit sa akin ang korona sa TikTok Shop Philippines [crown emoji],” masaya niyang sambit.

Aniya pa, “Ngayon, I am happy to announce that I am 100% healthy [flexing biceps emoji].”

Sa comment section, may pahabol na paliwanag si Miss Glenda patungkol sa nangyari sa kanyang kalusugan.

“I almost died, many times…Nagsimula po ito sa bleeding, malakas po akong datnan. Meron ding nakita sa aking ultra sound kaya nag-decide ako na ipatanggal na ang aking uterus. Pero nagpatuloy ito dahil matagal na akong anemic,” paliwanag niya.

Naging agaw-pansin din ang mensahe ng pagsuporta sa kanya ng aktres na si Lovely Abella.

“Sometimes si Lord gumagawa ng way to slow down Ga, pinapahinga ka lang niya at ngayon na naka-fully rest ka na laban na ulit at sa lahat ng pangyayaring ‘yun kasama mo siya dahil mahal ka niya,” mensahe ng aktres sa negosyante.

Patuloy ni Lovely, “Wala ka dapat ikatakot, sa business mo, sa family, sa sarili mo, sa mga taong mahal mo, dahil tama ka alam niya ang nasa puso mo [folded hands emoji]. Kasama ka sa Prayers ko [folded hands emoji].”

Tila naka-relate ang aktres sa nangyari kay Miss Glenda pagdating sa negosyo dahil kung maaalala ay nagla-live selling si Lovely at ang mister niyang si Benj Manalo.

Ibinunyag ng mag-asawa sa isang interview last year na kumikita sila ng P4 million hanggang P5 million sa loob lamang ng isang buwan noong pandemya.

Hanggang sa dumating daw ‘yung araw na parang pinitik sila ni Lord dahil biglang nawala ang kanilang Facebook page na may mahigit one million followers na.

Dahil dito, nawalan sila ng platform para sa kanilang business at kinailangang magsimula muli sa umpisa.

Sa ngayon, ang Facebook page ng mag-asawa sa pag-o-online selling ay mayroon nang 116,000 followers at mukhang unti-unti na nilang naibabalik sa dati ang kanilang business.

Read more...