Julia may bagong career ngayong 2025, sasabak na rin sa hosting

Julia may bagong career ngayong 2025, sasabak na rin sa hosting

PHOTO: Instagram/@juliabarretto

SA pagpasok ng panibagong taon, nag-uumapaw ang upcoming projects ni Julia Barretto.

Maliban sa kanyang acting career, sasabak na rin siya sa pagiging host!

Siya kasi ang napiling host ng artista-based reality search ng TV5 na “Artista Academy.”

Sa interview ng News5, sinabi ni Julia na kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang bagong karera.

“Right now, it’s going to be a lot of research and finding inspiration and watching a lot of hosts doing their thing,” sey niya sa panayam with entertainment reporter MJ Marfori.

Baka Bet Mo: Julia Barretto, Joshua Garcia umamin, na-miss ang isa’t isa?

Ramdam din ang pagka-proud ni Marjorie sa naging interview.

“They’re much better versions of me. So that’s what makes me proud, because the things that I fear, they’re the ones naman very adventurous…and they take risks. And that’s something I’m learning from my kids,” saad niya kung saan bukod kay Julia ay ipinagmamalaki niya rin ang pagiging business woman ng isa pa niyang anak na si Dani, at si Claudia na magaling naman pagdating sa musika.

Samantala, ilan pa sa major project ni Julia this year ay ang upcoming series na “What Lies Beneath” kasama ang star-studded cast na sina Bela Padilla, Janella Salvador, Charlie Dizon, Jake Cuenca, Jameson Blake, at JM de Guzman.

“I’m looking forward to this project, which has a unique and exciting storyline,” chika niya sa isang interview.

Paliwanag niya, “Since and after the pandemic, I’ve been doing love stories, so this will be a refreshing change. I’m excited to work with the Kapamilya team on this series.”

Maliban diyan, magiging parte din ang dalaga sa pelikulang “Hold Me Close,” ang kanyang entry para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

“I’ve seen the film, and it gave me a different feeling. That’s the magic of Direk Jason Paul Laxamana—he takes you into a world he’s created,” saad niya.

Aniya pa, “I’m so thankful to be part of this amazing film. I think you’ll understand once you watch it. The whole family can enjoy it, as it’s rated PG.”

Read more...