Gerald Santos nilapitan ng 2 pang lalaking biktima ng panghahalay

Gerald Santos nilapitan ng 2 pang lalaking biktima ng panghahalay

Gerald Santos

Trigger Warning: Mention of rape, sexual harassment

KINUMPIRMA ni Gerald Santos sa BANDERA na may dalawa pang lalaki ang lumapit sa kanya na umano’y biktima rin ng panghahalay.

Ang musical director na si Danny Tan din ang itinuturo ng mga ito na nambastos sa kanila. Dose-anyos daw ang mga biktima nang mangyari ang umano’y pang-aabuso sa kanila.

Nagkuwento kay Gerald ang mga dating menor de edad na biktima ng naging naranasan nila kay Danny, ngunit hindi pa raw handang lumantad ang mga ito.

“Natatakot din kasi sila na magpakita sa publiko at ikuwento ang mga nangyari. Kasi hindi pa raw alam ng mga pamilya nila kaya baka kung anong mangyari sa family nila kapag lumantad sila,” sabi ni Gerald nang makausap namin sa presscon ng kanyang comeback major concert na ‘Courage.”

Baka Bet Mo: Ina ni Sandro sa panghahalay sa anak: Hindi ako umiyak, nagwala ako!

Magaganap ang kanyang concert sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City, sa January 24, 2025. Kasabay nito ang pagpo-promote ni Gerald sa bago niyang single, ang”Hubad” na medyo may pagka-sexy and daring ang tema at ng style niya sa pagkanta.


Marami ang nagkokonek nito sa paglantad niya sa publiko last year bilang rape victim sa edad na 15. Swak na swak din daw ito sa concert niyang “Courage.”

“Actually, year 2019 pa…ang weird nga e. Kasi before mag-close ang ABS-CBN, meron na akong record deal with Star Music at that time, and meron nang mga songs na parang ganito yung tema kasi mag-reinvent na ako.

“Pero yun nga, unfortunately, you know what happened with ABS, hindi na natuloy yung deal namin. Ang ganda ng mga songs nu’n, ang sexy din, soulful, daring, pero hindi siya natuloy. Siguro hindi pa meant at that time,” aniya.

Kasabay din ng kanyang comeback concert ang paglulunsad ng binuo nilang Courage Movement para sa mga biktima ng pang-aabuso, sexual harassment, at rape na walang kakayahan at tapang na makipaglaban.

“Itong Courage Movement, it will help yung mga victims ng sexual abuse, harassment, yung mga ganu’n. Kasi na-realize ko nung lumabas ako last year, na-realize ko how hard it was na dun sa mga biktima.

“So, I want to offer help in every little way I can para sa mga victims. May mga lumalapit na nga sa akin. Last year, lumapit sa akin si Enzo (Almario) na biktima rin ng same person. So, du’n nagsimula tong Courage,” ani Gerald.

Sa tanong kung nagamit ba ni Gerald ang mapait niyang karanasan sa pag-interpret ng kanta niyang “Hubad”, “Actually, yung naranasan ko, it was not really a good experience.

“I would not say that’s sexy at all. I would say na mula nun nung mangyari yun, it made me a strong person.

“Made me, you know, ung ano yung wisdom na meron ako ngayon. So, nadala yun. Through time, na-develop sa akin siguro yung strength ko as a person.

“Hindi lang dahil sa nangyari, kundi sa mga lahat ng pinagdaanan ko, nagsama-sama na yun, accumulative. And now, ayan lumabas na yung song na ‘Hubad.’ Siguro, nung lumabas yung lahat ng experiences ko sa buhay,” esplika ng binata.

At tungkol naman sa sinasabi ng iba na ginagamit at napapakinabangan niya ngayon ang nangyari sa kanya noong 15 anyos pa lamang siya, “Nasa kanila na yun. Kung ano yung opinyon nila, wala naman akong magagawa du’n.

“Everybody is entitled to their own opinion, and yun nga, yung sa isyu na yun hindi naman yun out of the blue in the first place. Kumbaga, yung pinagdaanan ko na yun matagal na, nung 2010 pa.

“Actually naalala ko nga, nu’ng 2022 meron pa akong interview kay Butch Francisco about it, wala namang pumansin.

“Hindi naman siya abrupt na kasama yun na gamitin, nagkataon lang na merong malaking pangalan sa industriya na napasabay. Yun na yung naging instrument ko,” sabi pa ni Gerald na anytime ay pormal nang magsasampa ng kaso laban kay Danny Tan.

Read more...