Trigger warning: Mention of rape
KANYA-KANYANG hula ngayon ang mga netizen kung sino nga kaya ang young star na mabibiktima umano ng rape ngayong 2025.
Isa ito sa mga hula at pangitain ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin nang magbahagi ng kanyang mga prediksyon para sa taong 2025.
Sa panayam ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa programa nitong “Rated Korina”, nabanggit ni Rudy Baldwin na may nakikita siyang isang young actress na magagahasa.
Bukod dito, isang vlogger din daw ang tatamaan ng karamdaman na magreresulta sa kanyang pagkamatay ngayong taon.
“Ang pangalan niya, nag-start sa letter M,” ang pahayag ni Rudy patungkol sa young actress na mabibiktima ng panghahalay na kamakailan lang daw ay naging kontrobersyal dahil sa isyu ng “cheating.”
Baka Bet Mo: Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?
Nakikita rin daw ni Rudy ang pagkamatay ng isang kilalang vlogger na dadapuan ng isang uri ng cancer. Nag-aartista rin daw ang naturang vlogger.
Paglalarawan ng psychic sa sikat na content creator – maganda raw ito at sexy. Foreigner daw ang tatay nito at may dalawang kapatid na babae at lalaki.
Sey pa ni Rudy, nagkaroon na raw noon ng health problems ang vlogger pero nalagpasan niya ito.
“Bigla siyang nag-shut down,” sey ni Rudy hanggang sa nagkaroon na nga raw ng cancer ang katawan nito dahil hindi na nagamot.
At kahit daw maraming pera ang vlogger, hindi na nito maisasalba ang kanyang buhay, “Hanggang doon na lang talaga siya, wala na akong nakikitang kadugtong.”
May mga pangalang binanggit ang mga netizens kung sino ang tinutukoy na young actress at vlogger ng sikat na manghuhula pero warning ng iba, huwag daw paniwalaan si Rudy sa mga prediksyon nito.
Dahil anila, tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng mga magaganap sa kinabukasan.