Sylvia Sanchez binu-bully dahil sa matigas na pagsasalita ng Bisaya

Sylvia Sanchez bilang breadwinner: Minsan umiiyak talaga 'ko sa pagod

Sylvia Sanchez at Art Atayde

MADALAS nabu-bully ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez nang dahil sa kanyang matigas na Visayan accent.

Tubong-Nasipit, Agusan del Norte si Sylvia at sa edad na 14 ay naging breadwinner na siya ng kanilang pamilya kaya naman bata pa lang ay napakarami na niyang hinarap na pagsubok.

Hanggang sa nagdesisyon na nga siya na lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran dito at tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang mga kapamilya.

Hindi naging madali para sa Kapamilya actress ang pamumuhay sa Maynila, lalo na ang pakikisalamuha sa mga tagarito. Madalas siyang nalalait at nabu-bully dahil sa pagsasalita niya ng Bisaya.

Pati nga ang pag-pronounce ng pangalan niya ay kinatatakutan niya dahil baka ang mabigkas niya ay “Selvia Sanchiz.” Kaya ang ginawa niya, nagbabasa siya lagi ng mga komiks.

Baka Bet Mo: Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

Makalipas ang apat na dekada sa showbiz, nakagawa na rin ng sariling pangalan si Ibyang sa mundo ng showbiz. Napatunayan niya na may karapatan talaga siyang manatili at magtagal bilang aktres.


Sa panayam ng online Bisaya talk show na “Kuan On One” hosted by Melai Cantiveros, binalikan ni Sylvia ang pagiging breadwinner ng kanilang pamilya.

“Minsan umiiyak ako sa pagod. Bakit in-embrace ko ang responsibilidad na ‘to? Napapagod ako.

“Pero ang iniisip ko, kaya ko ba na hindi ko pansinin ang pamilya ko? Kaya ko ba na hindi sila bigyan kung okay naman ang buhay ko?”

“Kapag breadwinner ka, normal na matatag ka. Umiyak ka, ilabas mo lahat ng sakit para pagtayo mo ulit, may space ka ulit na pwedeng punan ng sakit.

“Kasi kung hindi mo ‘yan ilalabas, magpapatung-patong na ‘yan,” aniya pa.

Nakuha raw ni Sylvia ang katatagan at katapangan sa kanyang nanay, pati na rin ang pagiging generous sa kahit kanino.

Kuwento ni Ibyang, noong nasa Grade 6 siya ay may matandang nanghingi sa nanay niya ng pagkain.

Natatandaan niya na may anim na pirasong isda sa kanilang hapag-kainan at ang dalawa rito ay ibinigay sa matanda

Nang tanungin niya ang ina kung bakit, pwede naman daw nilang paghati-hatian ang natirang isda, ang mahalaga ay napakain nila ang naguguton na matanda.

“Nagpapasalamat ako na nakuha ko ang ugaling ‘yun sa nanay ko,” aniya pa.

Read more...