NANAWAGAN ang pamilya ni Marvil Factutan-Kocjancic sa pamahalaan ng Pilipinas para humingi ng tulong at i-prioritize ang kaso ng Pinay na pinaslang ng sarili nitong asawa.
Matatandaang nitong Disyembre 2024 ay nayanig ang mundo ng social media matapos pumutok ang balita na pinatay ito ng asawang foreigner habang sila ay nasa bakasyon.
Sa naging Facebook post ng isa sa kaanak ni Marvil na si Muberra Factoran ay nanawagan ito na magsagawa ng imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng Pinay.
“We, her family, are appealing to the Government of the Philippines and the concerned authorities to give immediate attention to this case. We demand a full investigation to uncover the truth behind Marvil’s passing,” saad ni Muberra.
Pagpapatuloy niya, “She is not just another case. Marvil was a daughter, a sibling, a friend, and a fellow Filipino who deserves justice.”
Baka Bet Mo: Pinay hiniya ng asawang Amerikano, tinawag na ‘scam’ at ‘golddigger’
Humingi rin ng suporta ang pamilya para naman makarating ang kanilang panawagan sa pamahalaan at para hindi makalimutan ang kaso ng kanilang kaanak.
“We can’t bring her back, but we can fight for her memory and ensure that justice is served. We will not stop until we get the justice she deserves,” sey pa ni Muberra.
Ayon sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News nito January 14, inilahad ng ina ni Marvil na si Vilma Pila na February 2024 nang makilala ng anak ang asawa nitong foreigner na si Mitja Kocjancic.
Kalaunan ay binisita niya ito sa Pilipinas at inalok ng kasal noong July 2024 na mismong kaarawan ni Marvil. Kinasal rin xsiya ng kaparehas na buwan.
Matapos ang kanilang pagpapakasal ay inasikaso agad ng Pinay ang kanyang mga papeles para masundan ang asawa sa Slovenia.
Ngunit ilang araw matapos ang kanyang pagdating sa Slovenia ay nakatanggap ito ng tawag mula sa embassy at ibinalita ang pagkamatay ng kanilang anak.
Ang asawa naman ni Marvil na si Mitja ay nasa kustodiya ng mga otoridad ng Slovenia at inaasikaso na rin ng Vienna Embassy ang mga labi ng Pinay.
Kinokondena naman ng Department of Foreign Affairs ang nangyaring pamamslang kay Marvil.