WALANG natanggap na imbitasyon si Sen. Imee Marcos para sa naganap na pa-dinner nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kasama ang ilang mga senador pati ang mga mga asawa nila.
Naganap ang naturang dinner sa Bahay Palasyo sa Malacañang nitong Lunes, January 13.
Kapansin-pansin na wala ang kapatid ng pangulo na si Sen. Imee sa mga larawan na ibinahagi ng Forst Lady sa kanyang Facebook page.
Makikita sa larawan ang mga sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Francis Escudero, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Sen. Francis Tolentino, Sen. Lito Lapid, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Raffy Tulfo, Sen. Joel Villanueva, Sen. Mark Villar, Sen. Cynthia Villar, Sen. Koko Pimentel, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Loren Legarda, at Sen. Robin Padilla.
Baka Bet Mo: ‘Maid in Malacañang 3’ hold muna; Imee pinayuhan mga kandidatong artista
“Dinner with Senators and their spouses,” caption ng asawa ng pangulo.
Wala naman sa larawan sina Sen. Grace Poe, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Imee Marcos, Sen. Bato Dela Rosa, at Sen. Bong Go.
Sa inilabas na ulat ng GMA News, sinabi ng senadora na wala siyang natanggap na imbitasyon para sa nagdaang event.
“I didn’t attend, office didn’t receive any invite,” sey ni Sen. Imee.
Samantala, present naman pala sa dinner si Sen. Poe ngunit na-late ito nang magkaroon ng group photo.