Sessionistas hindi naging isyu ang billing, sey ni Ice: Walang ego-ego!

Sessionistas hindi naging isyu ang billing, sey ni Ice: Walang ego-ego!

Sessionistas

SA upcoming pre-Valentine concert na “Love, Sessionistas” nina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante ay natanong kung paano ang billing at hatian ng production number.

Lahat ng mga nabanggit na miyembro ng Sessionistas ay kilala sa music industry at maraming fans kaya natanong namin ang isa sa creative at producer ng concert na si Liza Diño kung ilan ang kakantahin ng bawa’t isa at kung ilang oras ito dahil nga marami sila.

“It’s a 2-hour and 30 minutes show then may solo-solo silang number and halos lahat mabibigyan ng highlight. All in all, 25 songs,” sabi sa amin.

Ang “Love, sessionistas: A Pre-Valentine Concert” ay gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 8, 7 p.m. ay ididirek ni Ice kaya natanong siya kung gaano siya kahigpit bilang dirertor lalo’t mga kaibigan niya ang mga kasama.

Baka Bet Mo: Baron Geisler: Natatakot ako pag tinatanong ng mga kaibigan ko, ‘how do you feel, is the ego back?’

“When we were doing the repertoire, may mg amabilis sumagot, may ibang napakabagal, nagsara na ‘yung repertoire hindi pa rin nagbibigay (nagsasabi kung anong kakantahin).

“Ako naman ay naniniwala na of course, friendship is friendship but of course you have to be professional.

“When it comes to that, I’d like to think that I can be professional at punumpuno naman ng respect sa artistry ang bawa’t isa.


“Ang maganda kasi sa show na ito, we made sure na may inputs ang bawa’t isa. They’re all artist may kanya-kanya silang kaalaman, may kanya-kanya silang star power, and gusto ko itong concert na ito ay to represent each other’s expertise, kung baga may ilalagay kami ni Liza dito pang-break lang.

“Ako rin as an artist, I don’t wanna do something that I’m not comfortable with, so ito masasabi ko na halos lahat sa amin except for one (Kean) comfortable sa gagawin nila,” masayang sagot ni Ice.

At pagdating sa billing ay pinatanong daw ni Liza kay Ice sa grupo kung paano ang mangyayari, kung sino ang una at sino ang ihuhuli.

“Siguro that’s one thing I love about this group siguro kaya we really love to work together because there’s no ego. We’re all confident sa sari-sarili naming mga talent pero pag magkakasama kami, all ego left out of the door parang ang goal is to have fun, to have good music and be happy,” esplika ni Ice.

Dagdag naman ni Nyoy nu’ng nagkatanungan daw tungkol sa billing ay hindi kumibo ang lahat, “Parang lahat nag-freeze, we didn’t want to tackle that. Parang, ‘puwede ba wala na lang ‘yan?’  Unfortunately, siyempre as professional artist kailangan pero kung tatanungin, lahat walang sumagot kasi ayaw pag-usapan.”

Say naman ni Kean, “Parang gets na rin ng mga agency namin na kung sinuman ‘yung mga kasama namin ngayon sa mga karera namin ay ito ‘yung project na gusto talaga naming gawin. Gagawin namin ito na hindi ‘yung may bahid na dapat ganito-ganyan, hindi ganu’n. Sabi nga ni Ice walang ego na involved.”

Nagpasalamat din ang lahat na ang Fire and Ice ang producer ng “Love, Sessionistas” dahil hindi mangyayari ang show at maganda ang handling sa bawa’t isa.

Samantala, ipinagdiinan ni Ice na nagpaalam din sila sa “ASAP” dahil ginamit nila ang Sessionistas bilang titulo ng kanilang concert at pangalan na rin ng grupo nila na ang bumuo ay ang Sunday show ng Kapamilya network.

“Nagpaalam ako sa kanila. We have a very small industry and as much as possible we don’t want to burn bridges and Malaki ang respeto naming sa ABS-CBN especially sa ASAP because sila ang nagbuo sa amin, eh at na-excite nga sila for us,” paliwanag ng mang-aawit.

Nabanggit din ni Ms. Liza na personal nilang inimbita ang mga executives ng “ASAP” para manood ng concert at lahat naman ay umoo.

“Siyempre bilang respeto at dahil naman din sa ASAP kaya nabuo ang sessionistas,” say ni Ms. Liza.

Ang “Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert” ay presented by Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, in partnership with Profero Aesthetics.

Pinasasalamatan ng Fire and Ice Entertainment ang Platinum Sponsors: The Platinum Karaoke at Katinko at ang Gold Sponsor: HG Studio.

Kabilang din ang Media Partners: Magic 89.9, True FM 105.9, Philippine Concerts, and WhenInManila.com at sa pre-sale inquiries maaring tumawag sa 0917-700-3262 or e-mail: tickets@fireandice.ph.

Read more...