MUKHANG may pa-hard launch ang rumored couple na sina Sue Ramirez at Dominic Roque!
For the first time kasi, proud na ibinandera ni Dominic sa social media ang pictures nila ni Sue together.
Ito ay ilang linggo matapos kumpirmahin ng aktor na “currently dating” sila ng aktres.
Makikita sa Instagram post ni Dom ang throwback pictures ng naging dinner nila ni Sue, kasama ang ilang celebrity close friends sa restaurant ni Judy Ann Santos sa Alabang.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?
Sa group photos, kasama nila sina Ryan Agoncillo, Kathryn Bernardo, Elijah Canlas, Miles Ocampo, at Alora Sasam.
Siyempre, may selfie din ang DominSue na kung saan ay nakaakbay pa ang aktres sa kanya.
“Angrydobo Chef’s Night! Busog lusog kasama ang pamilya. Napakasarap,” caption niya sa IG.
Mensahe niya kay Juday, “Thank youuu, Nayyy.”
Sa comments section, maraming netizens ang kinikilig sa dalawa at sinasabing bagay sila para sa isa’t-isa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Parang magkamukha na sa last photo, baka kayo na talaga hehehe [red heart emoji].”
“DOMINSUE SO BAGAY [happy face with hearts emoji].”
“‘Yung last pic ang nagpakilig ng malala [happy face with hearts emojis].”
“Awwww Dom and Sue!!! [happy face with hearts emojis] Happy for the both of you! Please take care of this new found love! [red heart emoji].”
Maaalalang kinumpirma ni Dom na dating sila ni Sue during the red carpet ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na “The Kingdom” kung saan isa sa mga bida ang aktres.
“We’re dating. Happy naman kami together,” pag-amin ni Dom.
Chika pa ng aktor, “We’re going out and ayun, kinikilala namin ang isa’t isa.”
November last year nang magsimulang kumalat ang chismis na may “something” sa dalawa matapos mahuling tila sweet sa Siargao.
Bukod diyan ay ilang beses na rin silang spotted na magkasama sa ilang events.