“MAY himala!” Iyan ang paniniwala ng Kapamilya hunk actor na si Sam Milby matapos makaligtas sa aksidente ang kanyang kapatid kamakailan lamang.
Abot-langit ang pasasalamat ng binata na buhay na buhay ngayon ang kanyang Ate Ada pagkatapos ng kinasangkutang vehicular accident nitong nagdaang holiday season sa isang bahagi ng South Luzon Expressway.
Ibinahagi ni Sam sa kanyang Instagram account ang nangyari sa nakatatandang kapatid kalakip ang kuha ng dashcam kung saan makikita ang naganap na aksidente.
Mapapanood sa video na inararo ng truck ang isang kotse na nakahagip naman sa motorsiklo na minamaneho ng kapatid ng aktor.
Baka Bet Mo: Aicelle Santos nasaksihan ang himala sa kapatid, biglang gumaling
Naipit ang motorsiklo sa nasabing karambola habang total wrecked ang nasagasaang kotse. Ayon kay Sam, nawalan ng preno ang truck na nagresulta sa aksidente.
Sa IG post ni Sam, makikita rin ang litrato ng kanyang ate na nakasaklay habang nagpapagaling pa sa tinamong mga injury. Ayon sa binata, isang himala ang pagkakaligtas ng kapatid mula sa aksidente.
“Milagro. Yun ang nangyari sa Ate ko last month. Definitely not the way she wanted to spend the holidays but thank you Lord she is safe and healing,” ang simulang caption ni Sam sa kanyang post.
Masaya si Sam na kahit matinding mga sugat ang natano ng kanyang ate ay wala naman itong broken bones, ayon sa mga doktor. Ngunit nakakalungkot lang daw na may isang taong namatay dahil sa aksidente.
“She walked away with no broken bones…. just badly bruised with some stitches (Siya yung nakamotor sa video). but sadly a young mans life was taken. Nawalan daw ng preno yung truck at parang madalas nangyayari to,” ayon pa kay Sam.
“I hope more can be done to force companies to do regular checkups and maintenance for a lot of these older trucks. So glad you’re ok and I love you sis,” saad pa ng aktor.
Bumuhos naman ang mensahe para sa kapatid ni Sam mula sa kanyang IG followers at mga celebrities, kabilang na riyan ang kanyang ex-fiancée na si Catriona Gray.
Post ng beauty queen-host para kay Ada, “Thank God you’re safe and recovering @ada_milby. Hope to see transportation companies stepping up to ensure safe vehicles on our roads, and the appropriate accountabilty when oversights lead to tragedies such as these.”