Jillian Ward umiiyak sa burol ng lolo nang may magpa-selfie, pumayag ba?

Jillian Ward umiiyak sa burol ng lolo nang may magpa-selfie, pumayag ba?

Jillian Ward

LAHAT ng meron ngayon ang tinaguriang Star of the New Gen na si Jillian Ward ay talagang pinaghirapan niya nang bonggang-bongga.

Knows n’yo ba na ilang beses na ring nagtangkang iwan ni Jillian ang mundo ng showbiz dahil sa pagkakaroon ng anxiety at mga challenges sa buhay sa murang edad.

Hindi raw ito alam ng publiko dahil ang napapanood at nasasaksihan lamang ng publiko at manonood ay ang magagandang nangyayari sa kanyang career habang lumalaki.

Ayon kay Jillian, kabaligtaran daw ang buhay niya kapag nakauwi na siya ng bahay kung ikukunpara sa napapanood ng mga tao.

“Growing up, sobrang strict ng parents ko, as in OA. Hindi po ako spoiled growing up. I had to earn everything I have.

Baka Bet Mo: Dina hindi agad na-in love kay Vic, nagpakasal noon pero fake pala

“So kung ano po ‘yung meron ako, I worked for it, even my toys, I worked for it,” ani Jillian sa panayam ng “24 Oras”.

“I guess, naging mahirap siya kasi growing up sobrang strict ng parents ko. Tapos when they separated, binigyan nila ako ng freedom, which is good.

“Pero naging mahirap siya for me kasi hindi ko alam saan ako mag-i-start. I grew up na lahat ng kilos ko bantay nila,” rebelasyon pa ni Jillian.


Pag-amin pa ng dalaga, until now ay pinaglalabanan pa rin niya ang anxiety at may mga pagkakataong sobrang “hard” niya sa sarili lalo na kapag may nagagawa siyang sablay.

“I guess po nae-enjoy ko siya kasi kapag merong nagpapa-picture, sobrang saya nila. But sometimes meron pong isang incident na wake ng grandfather ko, tapos umiiyak ako tapos merong gustong makipag-selfie.

“Super bata pa po ako noon, mga 13. Growing up hindi ako marunong mag-say ng ‘No.’

“Imagine niyo po nandoon ‘yung kabaong ng lolo ko, umiiyak ako tapos may nagpapa-selfie. ‘Ah sige po,'” ang pagbabalik-tanaw pa ni Jillian.

“I grew up na hindi ako marunong mag-‘No.’ Somehow ‘yun ang natutunan ko ngayon, na kailangan mo rin ng boundaries to protect your emotional, mental health,” aniya pa.

Sa nasabi ring panayam inamin ni Jillian na dumaan siya sa matinding kalungkutan last year nang tuluyan nang maghiwalay ang kanyang parent.

Samantala, abangers na ang lahat sa unang kilig serye ng GMA ngayong 2025 na “My Ilonggo Girl” na pagbibidahan ni Jillian kasama ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si Michael Sager.

Kasama rin sa cast sina Teresa Loyzaga, Arlene Muhlach, Andrea del Rosario, Richard Quan,  Arra San Agustin, Yasser Marta, Matt Lozano, Empoy Marquez, Geo Mhanna, Vince Maristela, at Lianne Valentin.

Mapapanood na ang world premiere ng “My Ilonggo Girl” ngayong Lunes, January 13, 9:35 p.m. sa GMA Prime.

Read more...