Gerald Santos tuloy ang kaso kay Danny Tan; nagtayo ng Courage Movement

Gerald Santos tuloy ang kaso kay Danny Tan; nagtayo ng Courage Movement

Gerald Santos

Trigger warning: mention of rape, sexual abuse

TULOY ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso ni Gerald Santos laban sa musical director na si Danny Tan na  umano’y nanghalay sa kanya noong 15-anyos pa lamang siya.

Ipu-push ng “Pinoy Pop Superstar” Season 2 grand champion ang demanda laban kay Tan ngayong taon hindi lang para sa kanyang sarili kundi maging sa iba pa umanong mga biktima.

Nakausap ng BANDERA si Gerald sa presscon ng kanyang comeback concert na “Courage” na magaganap na sa darating na January 24 sa SM North Edsa Skydome.

At dito nga namin kinumusta sa kanya kung ano na ang nangyari sa plano niyang pagsasampa ng kaso laban kay Danny Tan na inakusahan niya ng panghahalay ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Herlene Budol naging daan para matagpuan ng isang pamilya ang kamag-anak na matagal nang nawawala: Iba ka talaga, Lord!

Inamin ito ng binata sa naganap na mga Senate hearing last year kung saan matapang niyang ni-reveal sa publiko na ginahasa raw siya ng nasabing musical director. Dito nangako si Sen. Jinggoy Estrada na bibigyan siya ng abogado para sa pagsasampa niya ng kaso.

“Nakikipag-usap pa rin kami sa legal counsel na ibinigay sa amin ni Sen. Jinggot Estrada, and naiintindihan ko naman kasi marami rin siyang hina-handle na cases so medyo naba-backtrack kami but hopefully this month may resulta na, may magiging aksyon na,” ang pahayag ni Gerald sa mediacon ng “Courage” last Friday, January 10.


Nilinaw ng singer na wala pa talaga silang naipa-file na kaso pero umaasa siya na sa mga susunod na buwan ay magkaroon na ng development tungkol dito kasabay ng pagsasabing tuloy ang kanyang laban kay Danny Tan.

Sabi ni Gerald kung siya lang daw, okay na sa kanya ang mailabas sa buong mundo ang katotohanan at ang kinimkim niyang sama ng loob at takot sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng Senate hearing.

“Pero hindi na po ito para sa akin lang kundi pati na sa iba pa niyang biktima na lumapit at nakipag-usap sa akin after ng mga Senate hearing. Sabi ko nga nu’ng makaiyak ako sa Senate, ang laking tinik na nabunot sa dibdib ko, parang okay na nga ako du’n, e.

“But yung mga lumapit sa akin na iba pa niyang victims, particularly si Enzo Almario, I believe he really needs to face the law,” aniya pa.

Ibinahagi rin ni Gerald ang pagsisimula ng bago niyang advocacy na Courage Movement, kung saan tutulungan nila ang mga biktima ng sexual abuse.

“I’ll be launching my advocacy, Courage Movement, to help ‘yung mga victims ng sexual abuse, harassment, rape, ‘yung mga ganon.

“Kasi na-realize ko nu’ng lumabas ako last year, how hard it was, doon sa mga biktima. I want to offer help. In every little way I can,” saad ng binata.

Note that at the concert, Gerald is also set to launch the “Courage Movement,” which he said, is part of his effort to lend support to victims of sexual harassment.

“Through the movement, we aim to offer therapy sessions for victims. We are also planning on providing them legal assistance.

“To accomplish this, we are now in talks with various groups including the Public Attorney’s Office (PAO) and PAVE or Promoting Awareness, Victim Empowerment. It is a student organization dedicated to preventing sexual assault, dating violence, among others,” sabi ng singer at aktor.

Ano naman ang masasabi niya sa mga bashers na nagkokomentong ginagamit lang niya ang sitwasyon para sa  pangsarili niyang kapakanan, partikular sa kanyang career.

“Masasabi ko lang doon nasa kanila na ‘yon kung ‘yon ang opinion nila. Wala naman akong magagawa doon. Kumbaga sa issue na ‘yon, hindi naman ‘yon out of the blue in the first place.

“Kumbaga ‘yung pinagdaanan ko na ‘yon matagal na, year 2010 pa, may complaint nako dyan. Three years ago, 2022, meron rin akong interview, hindi naman pinansin.

“Nagkataon lang na meron malaking pangalan sa industriya, nagkasabay kaya nagkaroon ng atensyon ‘yung aking case,” ani Gerald na ang tinutukoy ay ang baguhang aktor na si Sandro Muhlach, na isa ring biktima umano ng rape.

Samantala, ngayong 2025 ay ibang-ibang Gerald Santos daw ang masasaksihan at mapapanood ng madlang pipol na magsisimula sa bago niyang kanta, ang “Hubad.”

“It’s a sexy soulful number that is meant to signal my newfound direction as singer,” sabi ng binata na bolder at mas palaban ang magiging image ngayon.

“I’ve been in this industry for years now and I feel the need to offer fans something new, something they would never expect from me,” sey pa ni Gerald.

Dugtong pa niya, “Actually ‘Hubad,’ is also significant in another sense for me in that the title reflected how I felt last year. When I came out with my story, that of being molested by an industry insider at a young age, I felt naked divulging a really traumatic experience.”

At kung bakit “Courage” naman ang napili niyang titulo ng kanyang pagbabalik sa concert scene, “The title of the concert meant to put emphasis on the big, bold step I’m taking towards reinventing myself.

“These things are never easy, it takes courage and that’s why I thought of ‘Courage’ as concert title,” sey pa niya.

Available na ang mga ticket para sa “Courage” sa SM Tickets. This is produced by Echo Jam with Visionary Productions and written, conceptualized and directed by Antonio Rommel Ramilo.

Read more...