Manila, Pasay, QC #WalangPasok sa Jan. 13 dahil sa ‘INC peace rally’

Manila, Pasay, QC #WalangPasok sa Jan. 13 dahil sa 'INC peace rally'

FILE

PAGDATING ng Lunes, January 13, walang pasok ang mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Maynila at Pasay City.

Ito ay dahil sa “National Rally for Peace” na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon sa religious group, ang rally ay sabay-sabay na isasagawa hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa ilang lungsod sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Nobyembre ng nakaraang taon na huwag ituloy ang planong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Recently lamang nang inilabas ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 76 na nagdedeklara ng suspensyon dahil sa dami ng mga inaasahang magtitipon sa dalawang lungsod, at para na rin maisagawa nang maayos ang aktibidad.

Baka Bet Mo: Kristel sinagot na ang Korean suitor: ‘Finally, my first boyfriend!’

Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing direktiba noong Biyernes, January 10, sa ngalan ng pangulo.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang may kinalaman sa serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo. 

Ang desisyon naman ukol sa suspensyon ng trabaho sa pribadong sektor ay ipinauubaya sa mga indibidwal na kumpanya.

Insnunyo rin sa Quezon City ang suspensyon ng face-to-face classes mula public daycare hanggang senior high school, pati na rin ang Alternative Learning System (ALS) sa parehong araw dahil sa rally ng INC.

Inihayag din ang suspensyon ng trabaho sa mga government offices, maliban sa mga mahahalagang serbisyo na tulad ng binanggit sa memorandum.

“Ito’y bilang pakikiisa sa idaraos na National Rally for Peace na pinangungunahan ng Iglesia ni Cristo, na ang pangunahing sambahan na Templo Central at karamihan ng mga miyembro ay nasa Lungsod Quezon,” saad sa ibinanderang pahayag ng LGU.

Dagdag pa, “Ipinauubaya naman sa private schools at private companies ang pagpapasya sa pagsuspinde ng kanilang operasyon.”

Bukod sa Metro Manila, magkakaroon din ng rally sa Legazpi (Albay), Ilagan (Isabela), at Puerto Princesa (Palawan) sa Luzon; Cebu, Iloilo, at Bacolod (Negros Occidental) sa Visayas; at Davao, Pagadian (Zamboanga del Sur), Butuan (Agusan del Norte), at Cagayan de Oro (Misamis Oriental) sa Mindanao.

Kung maaalala, nagsabi ang INC ng kanilang plano para sa peace rally noong December 4.

“The members of the [INC] are preparing to hold a rally to express their support of the stance of President Ferdinand Marcos Jr. against the impeachment being pushed by certain sectors because there are more pressing problems that the country is facing that should be prioritized by the government,” sey ni Gen Subardiaga, ang host ng “Sa Ganang Mamamayan” na isang show sa INC broadcast network na Net25.

Aniya pa, “The [INC] is for peace. We oppose any form of disturbance coming from any side.”

Read more...