Kai Sotto 6 na buwan hindi makakapag-basketball, hirit ni Ruru: Laban lang!

Kai Sotto 6 na buwan hindi makakapag-basketball, hirit ni Ruru: Laban lang!

Kai Sotto, Ruru Madrid

MATAGAL na mawawala sa aksyon sa basketball si Kai Sotto, ang Pinoy center player ng Koshigaya Alphas.

Ito ay dahil sa natamo niyang matinding injury kung saan napunit ang kanyang Anterior Cruciate Ligament (ACL) sa kaliwang tuhod.

Base sa na-search namin sa internet, ang ACL ay isang connective tissue na nag-uugnay sa femur (butong hita) at tibia (butong binti) upang mapanatiling matatag ang tuhod.

Ang ACL injury ay karaniwang dulot ng biglaang pagpreno, pagbabago ng direksyon, maling pagbagsak mula sa talon, o direktang impact sa tuhod.

Anyway, nangyari ang injury ni Kai sa unang bahagi ng laban ng Koshigaya Alphas kontra SeaHorses Mikawa sa Japan B.League noong January 5 na nauwi sa 79-77 na pagkatalo ng kanyang koponan.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid binasted ni Barbie Forteza matapos magregalo ng tsinelas

Noong January 8 naman nang ibandera ng basketbolista ang kanyang nararamdaman matapos ang insidente.

Sey ni Kai sa isang Instagram post, “The worst way to start the year, might be the darkest day of my basketball career, when I was told I tore my ACL. Tough to let this one sink in.”

Mensahe pa niya, “I appreciate all the love and support everyone has given me these past few days. I know God has a better plan for me and we just have to keep going.”

Sa comment section, nagpaabot ng mensahe ng suporta at “well wishes” si Ruru Madrid para kay Kai.

“Gusto ko lang sabihin sayo bro na alam kong mahirap yung pakiramdam mo ngayon, pero sana ito ang magsilbing motivation sayo to work harder sa kabila ng nangyari sayo,” sey ng aktor.

Wika pa niya, “Always remember bro, WALANG IMPOSIBLE! Basta mahal mo ang ginagawa mo at naniniwala ka na may nilalaan sayo ang Ama, kahit imposible gagawin nyang posible!”

“Marami kami na naniniwala sayo brader! Laban lang nakasuporta kami sayo at nakaabang sa mas malakas mong pagbabalik at pagtupad sa lahat ng pangarap mo sa iyong sarili at karangalan ng ating bansa!” ani pa ni Ruru.

Inaasahang mawawala ang Pinoy center player nang halos anim na buwan, ayon sa Alphas.

“Kai Sotto was injured in the game against the SeaHorses Mikawa…and was diagnosed with a torn anterior cruciate ligament, and has been placed on the injury list,” saad sa inilabas na pahayag ng nasabing team.

Ani pa, “As a result, Kai Sotto will miss the B.League Asia Rising Star Game.”

Bukod dito, hindi rin makakasama si Kai sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng Fiba Asia Cup Qualifiers sa Pebrero. 

Kakalabanin ng Gilas ang Taipei sa February 20, habang sa February 23 naman ang New Zealand.

Si Kai ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit walang talo ang Gilas sa qualifiers (4-0) na may average na 15.5 points, 12.5 rebounds, 3.8 assists, at 2.3 blocks kada laro.

Gayundin ang pagiging vital piece niya sa Alphas na may 13.8 points, 9.5 rebounds, 2.0 assists at 1.2 blocks per game.

Read more...