USAP-USAPAN ngayon sa social media ang isyu umano sa pagitan ng KimPau at Star Cinema.
Sa katunayan nga ay trending sa X (dating Twitter) ang “Kim and Pau” at “Kim Chiu and Paulo Avelino.”
Ito ay matapos mapansin ng marami na in-unfollow ng on-screen partner ang nasabing film production company ng ABS-CBN sa Instagram.
Dahil diyan, may mga chikang kumakalat na mauudlot ang upcoming movie ng dalawa na pinamagatang “My Love Will Make You Disappear” na ang release date sana ay sa darating na Pebrero.
Baka Bet Mo: Paulo super wait kay Kim sa taping, laging hinahatid pauwi sa bahay?
Lalong tumindi ang intriga nang ibandera ni Paulo sa kanyang X account na tila may kaugnay sa pag-unfollow nila ni Kim sa production company.
Ang sey niya sa post, “Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula [laughing emoji].”
Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula. 😂
— PAULO (@mepauloavelino) January 9, 2025
Sa comment section, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens at fans na kung saan ang sinasabi ng iba ay baka pakulo lang ito para sa darating na proyekto, habang ang ilan ay nagpaabot ng kanilang suporta.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“We love you Kim @prinsesachinita and Pau [emojis]. We are always here to support you all the way. Hugsss [emoji] These two beautiful souls doesn’t deserve this kind of treatment @StarCinema.”
“Pinanindigan niyo na talaga yung title ng pelikula Paulo [laughing emoji].”
“Wala pang official announcement ang Star Cinema na ma-postponed ang showing ng movie saka na tayo maniwala.”
“Coming from you…pag ‘yan ginawa mo talaga mauunawaan pa din kita pero still hoping for the best…love you both Kim and Pau…basta we got you whatever happens nandito lang kami para sa inyo…yakap.”
“Hindi man matuloy. KimPau parin kami kahit na anong mangyari. Masyado na kasi kayong sikat saming paningin kaya may mga gumagawa ng paraan para pabagsakin kayo pero waley hindi sila magwawagi.”
As of this writing, hindi pa sigurado kung tunay ngang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawang kampo.
Bukas ang BANDERA sa pahayag nina Kim at Paulo, pati na rin ng Star Cinema upang malinawan ang kumakalat na chikang ito.